Connect with us

Viral

Atom Araullo, natagpuan na nga kaya ang tunay na p ag-ibig sa katauhan ni Zen Hernandez?

Published

on

Marami ang kinilig sa naging post ng CNN Philippines news anchor na si Pinky Webb nito lamang Hunyo 21, 2021 dahil sa nagbahagi siya ng larawan ng kapwa niya mga broadcaster na sina Atom Araullo at Zen Hernandez. Hindi ito nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens dahil sa marami na nga ang nagpahayag na noon pa man ay madalas nang mamataan ang dalawa na magkasama.

Ayon sa naging post ni Pinky Webb sa kaniyang social media account ay nasorpresa daw siya at kinilig dahil sa muli niyang nakita ang kaniyang mga dating katrabaho. Dahil sa mga salitang ito at maging sa mga emoji na kaniyang ginamit ay marami ang napaisip at nakahalata na tila ba mayroong panunukso sa caption na ito ng batikang mamamahayag.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na naging magkatrabaho noon sina Atom at Pinky sa ABS-CBN bago pa man lumipat ang nauna sa kabilang network. May ilang mga netizens ang hindi na napigilan pang ipahayag ang kanilang mga opinyon patungkol sa pagkaka-link kina Atom at Zen.

Ayon sa isang netizen ay matagal na talagang nagde-date sina Atom at Zen kung kaya naman hindi na siya nagulat sa balitang ito. Sinang-ayunan naman ito kaagad ng isa pang netizen na nagsabing taong 2015 pa lang ay nakikita na nila ang dalawa na magkasama.

Marami din naman ang nagkomento na talagang bagay na bagay daw talaga sila para sa isa’t-isa. Samantala, nagbahagi din naman si Zen ng kaparehong larawan sa kaniyang Instagram account.
Ang larawan palang ito ay kuha sa private beach resort sa Polillo, Quezon. Kasabay ng post na ito ni Zen ang kaniyang pagbati para sa ika-51 taong kaarawan ni Pinky nitong nakaraang June 11.

Bagamat wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Atom at Zen ay marami na ang sumusuporta sa kanilang relasyon. Kasalan na nga kaya ang kasunod nito?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media