Connect with us

Showbiz

Angel Locsin, binilhan ng “perfect gift” ang kaniyang ama na 94 taong gulang na dahil sa hindi na raw ito nasasarapan sa kaniyang masahe!

Published

on

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang natin ang Araw ng mga Ama kung saan talagang pinaghanda at kinilala natin ang naging sakripisyo at pagmamahal nila para sa ating pamilya. Hindi rin naman talaga matatawaran ang kanilang pagmamahal sa atin at kahit pa nga mahirapan sila sa paghahanap-buhay ay ayos lang basta’t masuportahan nila ang pangangailangan ng kanilang sambahayan.

Photo credit: Angel locsin instagram

Kung marami sa atin ang naghanda at talagang naglaan ng oras para sa ating mga “haligi ng tahanan”. Hindi rin naman nagpahuli ang aktres na si Angel Locsin sa pagbibigay-pugay sa kaniyang ama na ngayon ay 94 taong gulang na.

Masaya niyang ibinahagi ang ilang mga larawan ng kanilang naging selebrasyon. At bahagi din nito ang pagbibigay niya ng espesyal na regalo sa kaniyang “perfect dad”.

Ayon sa naging post ng aktres, binilhan na niya ng massage chair ang kaniyang ama dahil sa tila hindi na nito gusto ang kaniyang pagmamasahe. Nagpasalamat din siya sa online store na kaniyang napagbilhan ng espesyal na regalong ito para sa kaniyang ama.

Photo credit: Angel locsin instagram

Marami din naman ang humanga kay Angel Locsin dahil sa kabila ng katanyagan at tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon ay nananatili pa rin siyang mapagmahal sa kaniyang magulang, sa kaniyang pamilya at maging sa kaniyang kapwa. Isa nga ang aktres sa mga sikat na personalidad na talagang tumutulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Hindi man niya isinasapubliko ang lahat ng kaniyang mga pagkakawang-gawa ay agad din itong kumakalat sa social media dahil sa mga kuhang larawan ng maraming mga netizens. Maaalalang noong Hunyo 29, 2019 ay inanunsiyo nina Angel Locsin at ng kaniyang nobyong si Neil Arce ang plano nilang pagpapakasal.

Photo credit: Angel locsin instagram

Talaga namang maraming sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang labis na kinilig at nasabik sa magandang balita na ito. Si Angelica Locsin Colmenares o mas nakilala natin bilang si Angel Locsin ay 36 na taong gulang na aktres, film producer at fashion designer. Isa siya sa mga artistang may pinakamagandang mukha sa showbiz.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media