Connect with us

Showbiz

Aiko Melendez, ginulat ang mga tagahanga niya at tagasuporta sa kaniyang “fit and young-looking pictures”!

Published

on

Inulan ng komento mula sa maraming mga netizens ang trending pictures na ito ni Aiko Melendez kung saan makikita ang malaking pagbabago sa kaniyang timbang at pangangatawan. Batang-bata at fresh na fresh din siyang tingnan.

Si Aiko ay isang mahusay na aktres at kontra-bida. Isa rin siyang dating pulitiko. Aag kaniyang ama ay si Jimmy Melendez na isa ring aktor noon.

Dekada ’80 noon nang magsimula siya bilang isanga child star sa ilalim ng pamamahala ang Regal Films. Sa edad niyang 45 taong gulang ay mayroon na siyang dalawang anak, sina Andrei Yllana na anak niya sa dati niyang asawa na si Jomari Yllana, at si Marthena Jickain naman na anak niya sa dating asawa niyang si Martin Jickain.


Kung noon ay halatang-halata ang kaniyang timbang, nagulat ang publiko dahil sa payat na larawan ni Aiko ngayon. Inakala pa nga ng ilang mga netizens ay larawan iyon ng kaniyang 14 na taong gulang na anak na si Martina.

Sa naturang post naman ni Aiko ay nagpasalamat siya sa sponsor ng kaniyang simple at komportableng kasuotan. Agad namang nagkomento ang ilang mga sikat na personalidad tulad na lamang nina RR Enriquez, Lara Quigaman at Gladys Reyes.

Hindi na lingid sa publiko na noon pa man ay talagang nagsusumikap na si Aiko na magbawas ng kaniyang timbang ngunit nito na lamang niya talagang napagtagumpayan at nakamit ang matagal na niyang inaasam. Ibinahagi din ni Aiko ang kaniyang sikreto kung bakit ngayon ay mas fresh at mas batang-bata siyang tingnan.

Sa ngayon ay mayroon niyang suki na delivery food kung saan siya umoorder ng mga keto at vegetarian na mga pagkain. Maliban sa pagkakain ng mga masusustansiyang pagkain ay regular din ang kaniyang ehersisyo.

Umiinom din siya ng cacao drink at paminsan-minsang nagtutungo sa mga beauty clinic. Tunay ngang hindi naging madali para kay Aiko ang fitness journey niyang ito ngunit masayang masaya siya sa naging resulta.

Nais din niyang magsilbing inspirasyon para sa maraming mga taong nais ding magbawas ng timbang, “It’s never too late,” wika ng aktres.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media