Connect with us

Showbiz

Siya pala ang ate ni Ivana Alawi, si Amira Alawi na hinangaan ng publiko dahil sa angkin niyang kagandahan tulad ni Ivana!

Published

on

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala natin bilang si Ivana Alawi ay 24 na taong gulang na aktres, modelo at YouTuber. Isa siya sa pinakasikat na vlogger ngayon sa bansa.

Hindi lamang kasi siya ubod ng ganda at kaseksihan kundi talagang napakabusilak rin ng kaniyang puso. Madalas na makikita sa kaniyang mga videos ang pagiging simple ng kaniyang pamumuhay kahit pa nga maraming ari-arian ang naipamana sa kaniya ng kaniyang napamayapang ama.

Marami mang kayamanan na maituturing ay hindi ito naging hadlang upang tumulong siya sa maraming taong kapus-palad at nangangailangan. Dahil dito ay hindi na nakapagtataka na mas dumarami pa ang mga taong sumusuporta sa kaniya.

Tulad na lamang ng marami pang mga sikat na personalidad ay marami na rin ang nagkakaroon ng interes sa buong pamilya ni Ivana. Hindi na lingid sa publiko na siya ay nakatatandang kapatid ng child actress na si Mona Louise Rey o mas kilala na ngayon bilang si Mona Alawi.


Maliban sa kanilang dalawa ay hinahangaan na rin ngayaon ng publiko ang naging pagtataguyod at pagpapalaki ng ina nina Ivana Alawi sa kanilang magkakapatid. Apat silang magkakapatid na itinaguyod ng kaniyang ina noong maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Madalas na mapanuod ang kaniyang kapatid na si Hash Alawi habang ang kanila namang ate na si Amira ay hindi madalas makasama sa mga video nila. Tulad ni Ivana ay sadyang napakaganda rin ng kaniyang ate Amira, nasa dugo nga talaga nila ang pagkakaroon ng magandang mukha.

Dahil sa hindi madalas mapanuod si Amira sa harap ng kamera ay mas maraming nagkakaroon ng interes tungkol sa kaniya. Ngunit mas nais talaga niyang manatili na lamang sa likod ng kamera dahil sa nais niyang maging pribado ang kaniyang buhay.

Malapit din sina Amira at Ivana, kapansin-pansin ito sa ilang mga larawan nila online. Si Amira din ang naging kauna-unahang tagasuporta ng aktres noong siya ay nangangarap pa lamang maging isang sikat na artista.

Tunay ngang nakakabilib ang pagiging malapit ng pamilyang ito sa isa’t-isa, sa gitna man ng hirap o kaginhawaan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media