Connect with us

Showbiz

Sam Pinto at Anthony Semerad, ibinahagi na sa publiko ang kasarian at pangalan ng kanilang panganay na anak!

Published

on

Si Samuelle Lynne Acosta Pinto o mas nakilala natin bilang si Sam Pinto ay 31 taong gulang na aktres, komedyante, at modelo. Isa siya sa pinakahinahangaang aktres sa showbiz dahil hindi lamang siya maganda, ubod din siya ng seksi.

Hindi na nakapagtatakang ilang beses din siyang naging number 1 sa Top list ng FHM magazine. Napakaswerte ng kaniyang mister na si Anthony Semerad dahil maituturing na pantasya ng bayan ang kaniyang misis.

Sa ngayon ay naghahanda na ang mag-asawa sa panibagong yugto ng kanilang buhay dahil sa malapit na ring isilang ni Sam ang panganay nilang anak. Maaalalang Mayo 5 nang ibahagi nila sa publiko ang magandang balita.

Inulan naman ng pagbati ang dalawa dahil sa wakas ay madaragdagan na ang kanilang pamilya. Sa latest vlog ng mag-asawa ay ibinahagi nila sa kanilang mga tagasubaybay ang magiging kasarian ng kanilang panganay na anak gayundin naman ang nais nilang ipangalan sa kanilang first baby.


Ibinabahagi din ni Sam na dalawang taon pa sana ang nais nilang palipasin bago sila bumuo ng sarili nilang pamilya ngunit mas maagang ibinigay sa kanila ang biyayang ito kung kaya naman masayang masaya na rin siya. Sobrang “excited” na rin ang kaniyang mister na si Anthony para sa pagdating ng kanilang “baby girl”.

Mia Amaya ang nais nilang ipangalan sa kanilang anak dahilsa noon pa man ay hilig na talaga nila ang karagatan. Reyna ng karagatan ang kahulugan ng Mia habang ang Aya naman ay isang maswerteng pangalan.

Nais din kasi nilang maging maswerte ang kanilang anak sa paglaki nito. Naging “intimate wedding” man ang kasal nila nitong Marso ay nangako naman ang mag-asawang magkakaroon pa sila ng ikalawang kasal sa oras na maging maayos na ang lahat.

Nais din kasi nilang makasama ang mga taong malalapit sa kanila sa napakaespesyal na araw na ito. Tunay nga na marami na ang nasasabik na masilayan ang kanilang first baby.

Magiging kamukha kaya ito ng daddy o ng mommy?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media