Connect with us

Showbiz

Ruby Rodriguez, tuluyan nang iniwan ang Eat Bulaga! at nagtatrabaho na ngayon bilang isang office girl sa California!

Published

on

Napakarami na talaga ang labis na naapektuhan ng pandemya. Nakakalungkot mang isipin ngunit hanggang maaari ay nagpapakatatag at nagpapakapositibo ang marami sa atin hanggang ngayon.


Hindi lamang turismo, negosyo, at mga empleyado ang apektado ng pandemya kundi maging ang ilang mga sikat na personalidad na bahagi ng showbiz. Marami kasi sa mga singers, dancers, perfomers, at comedians ngayon ang hirap na bumangon muli dahil sa mahirap na sitwasyon natin sa ngayon.


Ikinalungkot ng publiko ang pagkawala ng ilang mga sikat na personalidad sa mga paborito nilang programa. Isa na marahil sa mga ito ang EB Dabarkads na si Ruby Rodriguez.


Nanabik ang lahat na mapanuod ang mga programa ba tulad ng Eat Bulaga! kung kaya naman talagang sinubaybayan ito ng maraming mga Pilipino buhat ng umere silang muli sa telebisyon. Ngunit mayroon mga nakapansin na hindi na nagkakaroon pa ng pagkakataon si Ruby na lumabas dito gayong nang mga nakaraang taon ay talagang isa siya sa mga mainstay ng programa.

Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan niya online at makikitang nasa isa siyang opisina. Naging mainit na usap-usapan na nasa California na siya ngayon at doon nagtatrabaho bilang isang office worker.


Ayon naman sa ilang mga netizens, ikinabahala din nila ang naging komento ni Ruby sa isa sa mga pahayag ng kaniyang tagahanga kung bakit wala na siya sa Eat Bulaga! Ang sagot kasi niya ay “sila tanungin mo”.

Tunay nga na hindi natin maiiwasan ang mga bagay na nakatakdang mangyari. Kung totoo man ang espekulasyon na basta basta na lamang diumano tinanggal si Ruby sa naturang programa ay tiyak na magiging napakasakit nito lalo na kung pamilya na ang trato nila sa isa’-isa.


Naging malaking dagok din ang pagpanaw ng kaniyang kapatid dahil sa pandemyang nararanasan pa rin natin sa ngayon. Ano nga kaya ang katotohanan sa likod ng mga katagang ito mula kay Ruby Rodriguez?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media