Connect with us

Viral

Post ng isang netizen tungkol sa liko-likong daan na dapat sana ay ginawa na lamang isang tuwid na daan, umani ng napakaraming reaksyon at komento mula sa publiko!

Published

on

Usap-usapan ngayon sa social media ang post na ito ng isang netizen. Makikita kasi sa kaniyang post ang isang larawan ng liko-likong daan, diumano ay ginawa na lamang sana itong isang tuwid at deretsong daan upang hindi na nahirapan pa ang mga motorista.

Hindi na nga nakapagpigil pa ang ilang mga netizens at nagpahayag din sila ng kanilang mga sariling opinyon patungkol sa ideyang ito. Ilang mga netizens ang nagbigay ng halimbawa ng mga hindi tuwid na bagay o pagkain na kung gagawing tuwid ay talagang magdudulot ng kalituhan, kaguluhan at kapahamakan.

Halimbawa na lamang ang pagkain ng maraming mga Pilipino na isaw o bituka ng manok. Spiral kasi ang hugis nito at kung gagawin mo naman itong tuwid ay hindi rin magiging maganda ang hitsura.
Mas magiging maiksi rin ito kumpara sa isaw na nakapaliko ang pagkakagawa. Maging ang ating utak ay ginawa ring halimbawa kung saan hindi naman maaaring maging tuwid ang mga paliko-likong bahagi ng ating utak.

Maging ang ilang mga graph ay hindi rin maaaring maging tuwid na lamang dahil sa hindi mo makikita ang epekto nito o ang kaibahan nito bilang isang graph. Ang bituka rin ng isang indibdwal o ang kaniyang laman loob ay hindi rin maaaring maging diresto o tuwid dahil sa hindi ito magkakasya sa maliit nating katawan.

Mayroon din namang iilan na nagsabing, magiging padulasan na lamang ang mga daanan na ito ng sasakyan kung hindi ito gagawing paliko dahil sa talagang mahihirapan umahon at magmaneho ang mga motorista kung sakali. Isang bibong netizen din ang nagsabing ang “heart beat” ng isang tao ay hindi maaaring maging tuwid dahil kapag nangyari ito ay tiyak na siya ay wala nang buhay.

Talaga namang maraming mga Pilipino ang natawa sa post na ito. Tunay nga na sa gitna ng pandemya at maraming problema ay marami pa ring dahilan upang tayo ay maging masaya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media