Connect with us

Viral

Plug ng extension, pumutok sa kamay ng bata matapos niyang ilagay ang plug sa isang extension outlet!

Published

on

Normal na lamang sa ating mga Pilipino ang makabalita ng mga sunog lalo na kung panahon ng tag-init. Minsan nga ay kahit pa tag-ulan na, may mga insidente pa rin ng sunog sa mga bahay at ibang establisyemento.

Hindi lamang sunog, kundi pagkakakuryente at iba pang mga aksidente ang madalas na mangyari nitong mga nagdaang buwan. Kabi-kabila na rin ang mga pangyayari ng pagputok at pagsabog ng ilang mga “extension” pagdating sa mga malilit na bata.

Madalas kasing nagiging malikot na rin sila dahil nasa loob lamang tayo ng ating mga tahanan. Naging usap-usapan sa social media ang patungkol sa pagkakasawi ng isang bata matapos siyang maputukan ng kutsarang kaniyang naisaksak.

Hindi makapaniwala ang kaniyang pamilya na dahil dito ay kaagad na mawawala sa kanila ang kawawang bata. Ilang araw lamang matapos nito ay mayroon na namang isang magulang ang nagbigay ng babala online.

Ayon sa Facebook page ni Athena Quintana Comboy ay mayroon nang dalawang taon ang nakakaraan ng maaksidente ang kaniyang 7 taong gulang na anak at masabugan ng isang pumutok na extension wire. Ayon sa kaniya ay isinasaksak diumano ng kaniyang anak ang plug ng kanilang extension sa isang outlet.

Mabuti na lamang at walang masamang nangyari sa bata. Makikita sa larawan ang kamay ng kaniyang anak na naputukan ngunit wala naman itong natamong ibang matinding pinsala.

Nagbigay siya ng paalala at babala sa iba pang mga magulang na mas maging alisto pagdating sa kanilang mga anak. Hangga’t maaari ay huwag na lamang bigyan ng pagkakataon ang mga batang makahawak ng kahit anumang saksakan o kahit ano mang may kinalaman sa kuryente.

Napakahirap na lalo ng buhay natin sa ngayon dahil sa pandemya kung kaya naman hindi na natin makakaya pang manatili sa ospital ngayon dahil sa lumolobong kaso ng COVID-19 at gayundin sa posibleng mas malaki na ang babayaran natin sa ospital kumpara noon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media