Connect with us

Showbiz

Piolo Pascual, naglaan ng isang bungalow house sa Los Angeles para sa pinakamamahal niyang ina na si Mommy Amy!

Published

on

Si Piolo Jose Nonato Pascual o mas nakilala natin bilang ang 44 taong gulang na si Piolo Pascual ay isang mahusay na aktor, singer, modelo, at prodyuser. Marami ang talagang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kahusayan sa pag-arte at gayundin naman dahil sa napakagwapo niyang mukha.

Photo credit: Piolo Pascual instagram

Hindi na nakapagtatakang maraming mga kababaihan ang talagang pumapantasya sa kaniya hanggang sa ngayon. Dahil sa dami ng kaniyang mga nagawang proyekto noon at ngayon, marami na ring naging investment ang aktor.

Isa na marahil dito ang bungalow house na naipundar niya sa Los Angeles para sa kaniyang pinakamamahal na inang si Mommy Amy o si Amelia Nonato Pascual sa tunay na buhay. Noong una ay ayaw pa itong tanggapin ng kaniyang ina dahil sa pinaghirapan ito ng aktor.

Photo credit: Piolo Pascual instagram

Ngunit kalaunan ay masaya na rin niyang tinanggap ang regalo sa kaniya ng kaniyang anak na 1,200 sqm na bahay at lupa. Ito ay matatagpuan sa Diamond Bar na malapit na lugar sa Los Angeles, California, USA.

Photo credit: Piolo Pascual instagram

Ang bahay nilang ito ay mayroong tatlong mga silid-tulugan, sariling damuhan o lawn, swimming pool, at siyempre mayroon ding sariling cottage doon ang sikat na aktor. Sa “Façade” pa lamang ng kanilang bahay ay talagang makikita na kung gaano kalawak at kaganda ang bungalow house na ito.

Photo credit: Piolo Pascual instagram

Sa kanila namang “living area” ay makikita ang “three piece sala set” na nabili pa ni Mommy Amy noong taong 1999. Nasa bahay na niya ito dati sa Monterey, Park at inilipat lamang dito.

Nasa magandang kondisyon pa rin ang sala set na ito kahit pa nga higit sa 20 taon na ang tanda nito. Sa kanilang dining area ay makikita ang isang “glass topped dining table” na kasya ang anim na katao.

Photo credit: Piolo Pascual instagram

Talaga namang napakaaliwalas at napakaganda ng bahaging ito ng kanilang bahay. Sa kanilang kusina naman na “L-shape” ang lay-out ay nakakagalaw ng maayos si Mommy Amy lalo na kung siya ay nagluluto.

Sa kaniyang kwarto ay kapansin-pansin ang iba’t-ibang “shade” ng purple na kaniyang paborito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media