Connect with us

Viral

Pagluluto ng tuyo sa ibabaw ng baga, nagdulot ng ligaya at pagbabalik ng magandang karanasan ng maraming mga Pinoy noon!

Published

on

Hindi lamang mga magagandang tanawin ang dinarayo ng mga banyagang turista dito sa Pilipinas. Nais din nilang matuklasan ang ating mga kultura at tradisyon, gayundin naman ang ating mga nakaugalian noon pa man.

Maging ang ating mga lokal na pagkain ay patok na patok din sa kanila. Hindi nga maipagkakailang marami pa ring nakakamanghang bagay sa ating bayan.

Isa na marahil sa mga kilalang pagkain natin noon ay ang tuyong isda. Tradisyonal na paraan ng pagluluto nito ang pagpapatong lamang sa baga.

Napakasimple lamang ng mga pamamaraan natin noon, walang kahirap-hirap para sa mga Pilipinong sanay sa hirap ng buhay. Napakasarap ng lasa ng tuyong ito na ipinatong sa baga kung kaya naman hindi rin maiwasan ng maraming mga netizens ang mapabalik-tanaw noon.

Wala pang mga magagarang gadget, modernisasyon at mga makabagong kasangkapan sa bahay noon. Kung ano ang mga bagay na maaaring magamit o makuha sa paligid ay siyang ginagamit ng ating mga lolo at lola.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang mga larawang ito mula sa Facebook page na “Tom Sawyer Memes”. Makikita kasi ang pagsasabay-sabay ng pagluluto sa ibabaw ng mga uling na mayroon lamang mga bato sa paligid nito bilang lagayan ng kaldero.

Umani ito ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko. Talaga namang tuwang-tuwa silang makakita muli ng ganitong pamamaraan ng pagluluto.Tunay nga na marami na ang nagbago sa ngayon.

Marami nang mga makabagong appliances ang naiimbento na siyang mas ginagamit natin sa paglipas ng panahon. Nakakalungkot mang isipin na madalang na lamang tayong makita at makatikim ng ganitong klase ng mga putahe lalo na sa panahon natin ngayon ngunit napakasarap pa rin sa pakiramdam na marami pa rin sa atin ang nakakaalala sa ganitong pamaraan ng pagluluto ng ating mga lolo at lola.

Sana ay hindi tuluyang malimutan at mapaglipasan ng panahon ang nakasanayan nating ito.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media