Connect with us

Viral

Netizen nagulat nang makita ang pumanaw niyang ama sa Google Earth na naghihintay sa kaniyang misis sa labas ng kanilang tahanan

Published

on

Napakarami nang mga modernong teknolohiya at gadgets ang ginagamit natin sa ngayon at mas marami pa ang naghihintay lamang madiskubre sa paglipas ng ilan pang mga taon. Kung marami man ang nagsasabi na marami nang negatibong epekto ang modernisasyon na ito, marami din naman ang makapagpapatunay na malaki din talaga ang naging magandang pagbabago nito sa atin.

Nagagawa nating makausap ang mga taong mahal natin na malayo sa atin dahil sa mga modernong teknolohiya natin ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na nagagawa pa rin nating makausap ang mga taong ito gaano man kalayo ang kanilang lugar.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan online ang post ng Japanese guy na ito kung saan muli niyang nakita ang kaniyang pumanaw na magulang sa pamamagitan lamang ng Google Earth. Magkahalo na ligaya at kalungkutan ang kaniyang naramdaman nang muling masilayan ang kaniyang ama sa labas ng kanilang tahanan habang inaantabayan ang kaniyang ina na pauwi na ng mga oras na iyon.

Bagamat naka-blur ang mukha ng matandang lalaki ay alam na alam ng anak ang postura at kasuotan ng kaniyang ama. Marami ring mga netizen ang bumilib sa kaniyang ama dahil sa kabila ng edad nito ay hindi pa rin niya nakakalimutang hintayin ang mahal niyang asawa sa labas ng kanilang tahanan.

Sinong mag-aakala na muli pa niyang makikita ang kaniyang mga magulang? Napakasarap sa pakiramdam ang muling makita ang iyong mga magulang na mahal na mahal ang isa’t-isa.

Tunay nga na maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga naging karanasan sa kanilang mga magulang. Hindi raw matatawaran ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak ngunit napakahirap din naman maranasan ang mawalan ng mga magulang lalo na kung wala rin naman tayong ibang nais kundi ang makasama natin sila sa mga natitirang sandali nila sa mundong ito.

Kung kaya naman mas dapat nating pahalagahan ang mga magulang natin dahil sa sila ay ating mga magulang at walang makapagbabago nito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media