Connect with us

Viral

Napakaganda at napakaseksing asawa ni James Yap, hinangaan ng husto ng publiko dahil sa mala-anghel nitong kagandahan!

Published

on

Maraming mga netizens ang aminado na basta basketball player ay lapitin ng mga babae. Hindi lamang kasi sila hinahangaan dahil sa angkin nilang galing sa pagbabasketball kundi maging sa kanilang karisma at dating.

Image source: Instagram/jamesyap18

Isa na marahil sa pinakahinahangaang professional basketball player sa Pilipinas si James Yap. Siya si James Carlos Agravante Yap Sr. sa tunay na buhay.

Siya ang isa sa pinakasikat na miyembro ng “Rain or Shine Elasto Painters” ng “Philippine Basketball Association”. Siya ay tinaguriang “Big Game James” dahil sa pambihirang husay niya sa larangang ito.

Image source: Instagram/jamesyap18

Minsan na rin siyang naging kontrobersiyal nang maghiwalay sila ni Kris Aquino na mula sa isang maimpluwensiyang angkan. Taong 2005 nang sila ay ikasal at tumagal lamang ang kanilang pagsasama hanggang 2012.

Image source: Instagram/jamesyap18

Nagkaroon sila ng isang anak na mas kilala natin ngayon bilang si Bimby. Sa ngayon ay masaya na siyang namumuhay kasama ang kaniyang partner na si Michela Cazzola kung saan siya naman ay mayroong dalawang mga anak.

Siya ay isang Italyana at dati na ring secretariat specialist sa Asian Development Bank. Maraming mga Pilipino ang talagang humanga sa angking kagandahan at kaseksihan ni Michela dahil sa kabila ng pagkakaroon na niya ng dalawang mga anak ay naalagaan at napapanatili pa rin niya ang kaniyang balingkinitang katawan.

Image source: Instagram/jamesyap18

Ang kanilang mga anak na sina MJ at Franchesca ay mayroong Pilipinong palayaw, Bugoy at Bugay. Sinisikap din ng mag-asawa na maturuan ng mabubuting asal ang kanilang mga anak tulad na lamang ng pagsasalita ng “po” at “opo” sa tuwing sila ay kinakausap.

Malaki na rin ang pinagbago ni James buhat nang magkaroon sila ng sarili nilang pamilya ni Michela. Mas naging pursigido siya sa buhay dahil sa kaniyang mga anak.

Image source: Instagram/jamesyap18

Sa katunayan ay nakapagtayo na rin siya ng sarili niyang bar, ang “District 8 Manila”. Tunay nga na mas dumarami pa ang nagmamahal sa pamilyang ito nina James at Michela.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media