Connect with us

Viral

Misteryosong buto galing Tsina na palahim na ipinapadala sa ilang mga bahay, itinanim ng isang lalaki kahit pa nga sinabi ng gobyernong hindi ito dapat itanim!

Published

on

Marami nang mga misteryong bagay ang nangyayari sa ating kapaligiran sa araw-araw. Hindi na rin mabilang ang mga bagay na hindi natin maipaliwanag sa mundong ating ginagalawan kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang minsan ay nagagawa nating pagdudahan ang ilang mga bagay.

Naging maugong na usap-usapan ang patungkol sa ilang mga indibidwal sa Estados Unidos na nakatanggap ng misteryosong padala. Ayon sa ilang mga ulat ay buto lamang ang laman ng mga ito.

Ngunit ang labis na nakapagtataka ay nakadeklarang hikaw, singsing o di kaya naman ay iba pang uri ng alahas ang dapat na laman ng mga ito. Nakarating ito sa kaalaman ng gobyerno kung kaya naman inabisuhan din nila ang lahat na mag-ingat at huwag na huwag itatanim ang mga buto na ito dahil sa hindi pa nila batid kung ano ang magiging bunga at epekto nito.

Sa kabila ng matinding paalala ng kinauukulan ay itinanim pa rin ni Doyle Crenshawn ang mga butong kaniyang natanggap. Kahit delikado at hindi siya sigurado sa maaaring kalabasan nito ay hindi pa rin siya nagpatinag.

Nais niya talagang malaman ang katotohanan sa likod ng mga misteryosong padala na ito. Inalagaan niyang mabuti ang mga buto hanggang sa tuluyan nang lumago ang mga ito.

Binilhan pa niya ang mga ito ng “fertilizer” o pataba upang mas lumaki pa ang mga ito ng husto. Ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang naging resulta sa kaniyang pagtatanim at maraming mga netizens nga ang namangha sa kaniyang ginawa.

Ngunit marami din naman ang hindi naiwasang mag-alala sa mistulang “kalabasa” na naging bunga ng mga misteryosong buto. Nakarating ito sa kaalaman ng US Department of Agriculture at kaagad namang pinadalhan ng mensahe si Doyle na bibisita sila sa kaniyang tahanan upang masuri ang naturang bunga.

Ayon sa naturang ahensya ay isang “brushing scam” pala ang naganap kung saan madalas na nagpapadala ng buto mula sa Tsina upang magkaroon ng mga “fake reviews” ang ilang mga online shops doon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media