Connect with us

Viral

Misis, ipinamigay ng kaniyang asawa sa ibang lalaki dahil sa hirap ng buhay nila at upang mayroong maipakain sa kanilang pamilya!

Published

on

Sadyang napakahirap na talaga ng buhay sa ngayon. Marami ang umaaray sa napakamahal na mga bilihin at wala man lang pagtaas sa sweldo para sa mga manggagawa.

Ito marahil ang dahilan kung kaya nagagawa ng ilan ang mga krimen tulad ng pagnanakaw at pagsisinungaling. Ngunit higit pa pala rito ay magagawa rin ng isang mister na ipamigay ang kaniyang asawa sa ibang lalaki para lamang makakain ang kanilang pamilya.

Dahil sa sobrang hirap ng buhay ay hindi na nagdalawang-isip pa ang asawa ni Mae Salangsawa na ipamigay siya sa ibang lalaki upang makaraos lamang sila sa buhay. Sa ngayon ay 25 taong gulang na siya at mayroon na ring bagong asawa.


Isang 50 taong gulang na lalaki kung saan siya nagkaroon ng tatlong mga anak. Parking boy ito sa harapan ng isang kilalang fast-food chain at kumikita lamang ng Php100 sa loob ng isang araw. Napakahirap ng kanilang kalagayan dahil sa mayroon silang mga anak.

Sa loob ng sampung taong pagsasama nila ay naninirahan na sila sa isang masikip na barong-barong. Gusto mang umuwi ni Mae sa kaniyang pamilya sa Bulacan ngunit hindi niya magawa dahil sa naalala niya kung paano siya pagbuhatan ng kamay noon ng kaniyang lolo.

Buti na lamang at mayroong isang vlogger ang nagmagandang loob sa kanila. Nagbigay ng kaunting pinansyal na tulong at pagkain para sa mag-anak ang naturang vlogger.

Hindi rin ito nag-atubiling ibahagi sa kaniyang YouTube channel ang napakahirap na kalagayan ni Mae at ng kaniyang buong pamilya. Nakausap na din niya ang kaniyang ina sa Bulacan na nais na ring umuwi siya sa kanila. Masayang masaya si Mae dahil sa wakas ay hindi na sila magtitiis ng kaniyang mga anak sa isang delikado at masikip na barong-barong. Marami din ang nagnanais na tumulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya mula nang ibahagi ng vlogger ang kanilang kwento sa kaniyang channel.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media