Connect with us

Showbiz

Mga larawan at video ni Gal Gadot nang sumabak siya sa Miss Universe 2004, labis na nagpamangha sa publiko!

Published

on

Si Gal Gadot o mas hinangaan natin bilang bagong “Wonder Woman” ay 36 na taong gulang na aktres, prodyuser, at modelo na mula sa Israel. Marami ang labis na humahanga sa kaniya dahil sa napakaganda niyang mukha.

Hindi rin maipagkakaila na sa kaniyang edad ay nagawa niyang maalagaan ang kaniyang sarili lalo na ang kaniyang pangangatawan. Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang anak ng kaniyang mister na si Yaron “Jaron” Varsano.

Taong 2008 pa nang sila ay ikinasal. Lingid sa kaalaman ng marami ay hindi niya talaga pinangarap ang maging isang artista.

Kamakailan lamang ay naglabasan ang kaniyang mga lumang video at larawan kung saan siya ay naging kalahok ng prestihiyosong patimpalak. Taong 2004 nang siya ay sumali sa Miss Universe Israel kung saan siya rin ang nag-uwi ng korona.

Talaga namang noon pa man ay napakaganda na talaga niya. Ayon sa ilang mga ulat, pinagtapat ng aktres na sa murang edad niya noon ay talagang hindi niya sineryoso ang laban at talagang nagrebelde siya.
Dumating daw ang panahon na sinasadya na niyang ma-late. Hindi niya sinusuot ang kaniyang mga gowns at nagpanggap din siyang hindi marunong magsalita ng Ingles sa isang hurado na pinangalan niyang Paula Abdul.

“I was 18 and just graduated high school. I got in the pageant and never thought I’d win. And then I won, and it scared me. All that responsibility!” Pahayag ni Gal sa naging panayam sa kaniya noon ng “W Magazine”.

Matapos ng patimpalak ay nagdesisyon siyang pumasok sa “military” kung saan nagsilbi siya ng dalawang taon sa Israel Defense Forces bilang isang sundalo. Habang nag-aaral siya sa IDC Herzliya college ay unti-unti na niyang pinapasok ang mundo ng pagmomodelo at pag-aartista.

Hindi rin daw niya pinangarap na maging isang aktres dahil noong una pa lamang ay gusto na niyang maging isang abogado. Naging napakalaking kontrobersiya din para sa kaniya ang pagsabak niya sa proyekto niyang “Wonder Woman”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media