Connect with us

Viral

Mga kawatan, agad na ibinalik ang perang ninakaw sa delivery man at niyakap pa ito bago sila tuluyang umalis!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, hindi na maipagkakaila na talagang napakarami nang nangyayaring krimen sa ating kapaligiran. Nakakalungkot mang isipin ngunit sadyang sa paglipas ng panahon ay tila palala pa ng palala ang mga mararanasan nating kaguluhan sa ating paligid.

Image: The Express Tribune/Twitter

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang ginawang ito ng dalawang magnanakaw na nakasakay sa isang motorsiklo sa kanilang biktima na isang delivery rider. Mapapansin sa video ang isang delivery rider na maayos na nagtatrabaho lamang nang bigla na lamang siyang lapitan ng dalawang lalaki na pilit kumukuha ng kaniyang pera at iba pang mga bagay na maaari nilang manakaw.

Walang magawa ang kawawang delivery rider kung kaya naman napilitan siyang ibigay ang kaunting kinita niya sa buong araw. Ilang segundo pa ang nakalipas at tila sinoli ng isa sa mga magnanakaw ang perang ibinigay sa kanila ng rider.

Image: The Express Tribune/Twitter

Ito ay dahil pala sa pag-iyak ng husto ng rider habang binibigay ang perang kaniyang pinagtrabahuhan ng husto. Niyakap pa nga ng riding in tandem ang dapat sana ay kanilang biktima ng araw na iyon bago sila tuluyang umalis.

Talaga namang nakapanibago ang ganitong klase ng pangyayari dahil kung tutuusin ay mas marami pa rin talaga ang mga taong gagawa at gagawa ng masama kahit pa mayroong ibang taong masasaktan dahil sa kanila. Buti na lamang at hindi ganoon kasama ang mga lalaking nakatapat ng rider na ito.

Tunay nga na kahit napakahirap na ng buhay at talagang wala ka nang ibang pagpipilian pa kundi ang gumawa ng krimen malaki man o maliit ay mangingibabaw pa rin ang pagiging tao mo at ang pagmamalasakit mo sa iba. Marahil ay isa na rin itong paalaala sa ating lahat na huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil sa kabila ng mahigpit na pagsubok na nararanasan natin sa ngayon, darating din ang panahon na makakatanggap tayo ng biyaya mula sa Diyos.

Huwag lamang tayong susuko at patuloy lamang tayong magsumikap sa maayos at tamang paraan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media