Connect with us

Showbiz

Manicure ni Heart Evangelista patok na patok ngayon, umani ng sari-saring reaksyon mula sa publiko!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang paghanga sa mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz. Hindi lamang dahil maganda, gwapo o seksi ang mga indibidwal na ito kung kaya marami silang nagiging tagahanga, ito ay dahil din sa mga natatangi nilang ugali at paniniwala kung kaya sila sinusuportahan ng publiko.

Halimbawa na lamang ang aktres at social media personality na si Heart Evangelista. Siya ay 36 na taong gulang na aktres, TV host, “visual media artist”, “philanthropist”, at itinuturing ngayon na “first lady” ng probinsya ng Sorsogon.

Taong 2015 nang ikinasal siya sa kaniyang nobyo na isang pulitiko, ang gobernador ng Sorsogon na si Gob. Francis Joseph Guevara Escudero o mas nakilala natin bilang si Chiz Escudero.

Talagang mas lalong minahal siya ng publiko hindi lamang dahil sa mga serbisyong kaniyang inilalaan sa kanilang nasasakupan kundi dahil na rin sa napakarami niyang adbokasiya, unang-una na ang pangangalaga sa mga hayop. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang bagong manicure niyang mga kamay matapos niya itong ibahagi sa kaniyang social media account.
“There’s nothing a good manicure can’t fix,” Pahayag ni Heart Evangelista sa kaniyang post.

Makikitang napakaganda pa rin ng kaniyang kutis at ng kaniyang mga kamay na talaga namang alagang-alaga. Ngunit mayroong ilang mga netizens ang nagsabing tila kakaiba ang kanilang nakikita sa mga kuko na ito ng fashionistang si Heart.

Ayon sa ilang mga netizens ay tila ba maruming mga kuko lamang ang mga kuko na ito ni Heart. Sa unang tingin kasi ay aakalain mong lupa ang nakasiksik sa kaniyang mga kuko ngunit ito ay kulay gold na “tip coating”.

Bagamat marami ang nagkomento at nag-react patungkol sa post na ito ni Heart, mas marami naman ang talagang naniniwala na magiging fashion trend ito lalo na at nanggaling mismo sa isang sikat na personalidad na tulad ng aktres.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media