Connect with us

Viral

Larawan ng magkapatid na nakatulog sa bangketa matapos magtinda ang Sampaguita, kumurot sa puso ng marami!

Published

on

Kaniya-kaniya tayo ng dalahin sa buhay. Bawat araw ay bagong mga pagsubok at paghihirap ang ating nararanasan ngunit kailan man ay hindi ito naging rason upang magkaroon tayo ng kalayaan na manghusga ng ating kapwa.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang mga larawan na ito ng isang batang magkapatid na nagbebenta ng Sampaguita sa gitna ng kalsada. Hindi kasi katulad ng marami pang mga kabataan sa ngayon, hindi sila nakakapaglaro o di kaya naman nabibigyan ng pagkakataong makapasok sa isang maayos na paaralan.

Ibinahagi ng netizen kung paano nagtitinda ng Sampaguita ang nakakatandang kapatid buhat ang kaniyang sanggol na kapatid. Marahil ay sobrang pagod na rin dahil sa buong araw na pagtatrabahao ay basta basta na lamang nakatulog ang dalawang magkapatid.

Hindi nila alintana ang may panaka-nakang ulan. Ngunit kahit gaano pa kahirap at kadelikado ng kanilang ginagawa ay hindi pa rin nagpapatinag ang nakatatandang kapatid.

Talaga namang todo kayod upang maalagaan ng husto ang nakababatang kapatid. Kung akala natin ay sa pelikula lamang natin napapanuod ang mga ganitong klase ng bagay, nararanasan pala talaga ito sa tunay na buhay.

Ang netizen na nakilala bilang si Nahara Pagayawan. Siya ang nakakita sa mahirap na kalagayan ng magkapatid na ito.

Hiling niyang pagtuunan ng DSWD ng atensyon ang mga ito kung kaya naman agad na niya itong ibinahagi online. Samantala, marami namang mga netizens ang hindi matanggap na mayroon pa ring mga magulang sa ngayon na patuloy na nagpapabaya sa kanilang mga anak.

Dagdag pa ang ilang mga netizens, kung sakaling ulila na ang mga batang ito ay maaari naman silang kupkupin ng kanilang mga kamag-anak o di kaya naman ay ng lokal na pamahalaan kung saan naninirahan ang kanilang pamilya. Dalangin din ng marami na walang masamang mangyari sa mga batang ito habang sila ay nasa lansangan pa sa gitna ng masungit na panahon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media