Connect with us

Showbiz

KC Concepcion, niregulahan ng isang bahay at lupa ang kaniyang Nanny na nag-alaga sa kaniya noong maliit pa siya!

Published

on

Natural na sa maraming mga Pilipino ang pagsasakripisyo ng ina para sa kaniyang pamilya. Kadalasan kasing hindi na nagtatrabaho pa ang mga ilaw ng tahanan kahit gaano pa nila kagustong ipagpatuloy ang kanilang mga karera dahil sa nais nilang maging hands-on sa kanilang mga anak.

Nais nilang makasama sila ng kanilang mga anak sa kanilang paglaki at makita nila ang maraming mga bagay na makakaya nilang gawin. Maraming mga pamilya ang mayroong ganitong kalagayan hanggang sa ngayon ngunit mayroon din namang iilan na kumukuha nga mga kasambahay at mga nanny para sa kanilang pamilya.

Tulad na lamang halimbawa ng naging karanasan ng anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Nang isilang siya ng kaniyang ina ay halos nagsisimula pa lamang ito sa showbiz kung kaya naman kinailangan din ng Megastar na maghanap ng isang nanny.

Natagpuan niya si Nanay Lina na talagang nagbigay ng kaniyang buong puso para kay KC. Noon pa man ay si Nanay Lina na ang nag-alaga at nagpalaki sa kaniya.

Abalang-abala man noon ang kaniyang ina na si Sharon ay tiwala siyang hindi mapababayaan ang kaniyang anak. Sa ngayon ay isa na ring sikat na aktres, mang-aawit, at businesswoman si KC.

Bagamat malayo na rin ang kaniyang narating ay hindi pa niya rin nakakalimutan ang naging napakagandang pagpapalaki sa kaniya ni Nanay Lina. Bilang ganti ay niregaluhan niya ito ng isang bahay at lupa.

Talaga namang hindi makapaniwala ang kaniyang Nanny ngunit para kay KC ay isang simpleng bagay lamang ito upang kahit papaano ay masuklian man lamang niya ang naging pagmamahal sa kaniya ng kaniyang Nanay Lina sa napakahabang panahon. Maraming mga netizens naman ang naantig sa kanilang kwento at ang ilan sa kanila ay ibinahagi rin kung gaano sila kapalad dahil sa naranasan din nilang maalagaan ng kanilang mga Nanny noong sila ay mga bata pa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media