Connect with us

Viral

Kakaibang sideline ng lalaking ito kinabiliban at pumatok ng husto sa maraming mga netizens!

Published

on

Napakarami na nating pinagtagumpayan na mga pagsubok. Hindi na mabilang ang mga pagkakataon na umiyak tayo dahil sa hirap ng buhay at dahil sa pagkapagod na ating nararamdaman.

Ngunit sa kabila ng mga ito ay talagang nananatili pa ring positibo at matatag ang marami sa atin. Dumating ang pandemya sa bansa noong Marso 2020 at hanggang sa ngayon ay milyoon pa rin ang nagkakasakit nito.

Hindi pa kabilang ang daang libo Pilipino na binawian ng buhay at patuloy pa ring lumalaban para sa kanilang mga buhay. Hindi na rin mabilang ang mga negosyong nagsara at mga empleyadong nawalan ng trabaho.

Kung para sa iba ay talagang pagsuko na lamang ang kaya nilang gawin, mas marami pa rin namang mga Pilipino ang patuloy na gumagawa ng paraan upang masuportahan pa rin ang kanilang mga mahal sa buhay. Tulad na lamang halimbawa ng lalaking ito na nakapag-isip ng kakaibang diskarte sa gitna ng pandemya.

Makikita sa post ni Ricky Sabugar ang ilang mga larawan ng lalaking ito na mayroong kakaibang diskarte sa gitna ng pandemya. Marami na din kasi talaga ngayong nagtatrabaho bilang mga “delivery rider”.

Kung kaya naman bawat magtatanong sa kaniya ay kailangang magbayad ng Php5 habang Php10 naman kung magpapasama sila. Kinagiliwan ng marami ang pagiging madiskarte ng lalaking ito. Umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito.

Maraming mga netizens ang namangha sa lalaki at mayroon din namang iilan na nais tumulong sa kaniya sa simpleng paraan na kaya nila. Nagsilbi kasi siyang inspirasyon sa marami na hanggang may buhay tayo at malakas at mayroon pang pag-asa sa buhay.

Tunay nga na walang masama sa kaniyang ginawa dahil tiyak naman na ginagawa niya ito para sa kaniyang pamilya. Sa hirap ng buhay ngayon, mas mabuti nang gumawa ang mga ganitong klase ng pamamaraan kaysa ibang pamamaraan pa ang gawin para lamang kumita ng pera.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media