Connect with us

Showbiz

Julia Barretto ibinahagi sa publiko ang exclusive tour niya ng kaniyang bagong opisina sa kaniyang bahay!

Published

on

Si Julia Francesca Barretto Baldivia o mas nakilala natin sa screen name niyang Julia Barretto ay 24 na taong gulang na aktres, modelo, at commercial endorser. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at pagiging isang mahusay niyang aktres.

Photo credit: Julia Barretto Youtube

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang naging transpormasyon ng dati niyang “theater room” o “entertainment room”. Ginawa na niya kasi itong isang “home office”. Napakaelegante at napakaganda ng kinalabasan ng kaniyang bagong opisina.

Photo credit: Julia Barretto Youtube

Buong “third floor” ang kaniyang ipinaayos dahil sa hindi na rin ito madalas magamit buhat nang magkaroon ng pandemya sa bansa. Una nang ipinasilip ni Julia ang napakaganda niyang office table kung saan makikita ang mga inaaral niyang “scripts”, laptop, mga libro, at dried plant.

Photo credit: Julia Barretto Youtube

Ayon sa dalaga, gusto niya talagang palaging nakikitang maayos ang kaniyang paligid lalo na ang lugar kung saan siya nagtatrabaho. Marami ding makikitang mga bulaklak at painting rito. Lingid sa kaalaman ng publiko ay mahilig din pala sa mga tula si Julia.

Photo credit: Julia Barretto Youtube

Si Rupi Kaur ang paborito niyang poet. Mahilig din sa wine ang aktres lalo na kung gusto niyang magrelaks o di kaya naman ay nasa gitna siya ng kaniyang trabaho. Sa ilan pang shelves sa kaniyang opisina ay makikita ang ilang mga karangalang natanggap niya bilang isang aktres, gayundin naman ang ilang mga larawan niya noong bata pa siya kasaama ang paborito niyang si “Barney”, ang kaniyang mga kapatid at ang pinakamamahal niyang lolo na minsan ay hindi nagmintis sa pagdalo sa bawat selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Photo credit: Julia Barretto Youtube

At hindi rin naman mawawala ang kauna-unahang polaroid nila ng kaniyang nobyong si Gerald Anderson. Talaga namang kaaya-aya at napakaaliwalas ng opisinang ito ni Julia.

Buti na lamang at ipinaayos niya ito dahil sa ngayon ay mas ganado daw siyang magtrabaho sa loob ng kaniyang bahay. Tiyak na mas marami pang aabangan sa kaniyang “home office” dahil patuloy pa rin niya itong pinapaganda.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media