Connect with us

Viral

Jinkee Pacquiao, pinabulaanan ang tsismis tungkol sa kaniya na pera lamang diumano ni Manny Pacquiao ang kaniyang habol!

Published

on

Marahil ay sa mga teleserye o pelikula lamang natin madalas marinig ang paghahabol ng pera ng isa sa mga asawa. Halimbawa ay kung nakapangasawa ng mayamang lalaki ang isang babae.

Ngunit sa totoong buhay ay nangyayari pa rin pala ito. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng misis ni Manny Pacquiao kung ano ang “most hated rumor” na natanggap niya buhat nang makilala sa larangan ng pagboboksing ang kaniyang asawa.

Ayon naman sa kaniya, ito ay ang mga tsismis na diumano ay pera lamang daw ang habol niya kay Manny. “Pineperahan” lamang daw niya ito dahil nang mga panahong iyon ay unti-unti nang nakilala at nagtatagumpay si Manny sa kaniyang boxing career.


“Before, nung bago pa lang kami ni Manny, parang pineperahan. Dahil nagkapera na ganun. Pera lang ang habol kasi nag-champion sa boxing. Tapos nung may income na na malaki, lagi nang nananalo after kami kinasal, ayan na naman pera na naman habol. Pera? Hay nako!” Pahayag ni Jinkee sa naging panayam sa kaniya ng celebrity doctor na si Vicki Belo sa YouTube channel nito.

Ayon naman kay Jinkee, batid ng mga taong nakapaligid sa kanila noon lalo na ng mga taong hiningian nila noon ng tulong na walang katotohanan at walang basehan ang mga tsismis na ito.

“Naku, madami kaming experience na mangutang kami para lang makapag-ensayo siya sa Davao o Manila kailangan may pocket money. Alam ‘yan ng mga ninang namin. Ginigising ko sila ng maaga, ‘Ninang help me, help us.’ Nangungutang pa kaming pera para lang pang-budget niya sa ensayo.” Dagdag pa ni Jinkee.

Kailan man daw ay hindi kinuwestiyon ni Jinkee ang kakayahan ni Manny kung makakaya ba silang buhayin nito sa pamamagitan ng kaniyang talento sa pagboboksing. At ngayon nga, napatunayan naman niyang isa siyang ulirang ina at asawa dahil sa hirap at ginhawa ay talagang naririyan siya para sa kaniyang asawa at sa buo nilang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media