Connect with us

Viral

Ito pala ang mga dahilan kung bakit napakamahal ng brand na “Louis Vuitton”!

Avatar

Published

on

Sa panahon natin ngayon na laganap na ang paggamit ng mga modernong gadget, marami na rin sa atin ang mayroong maganda at maayos na internet connection sa ating mga tahanan at opisina kung kaya naman hindi na nakapagtataka pa na mas marami tayong nakikita at napapanuod na mga balita tungkol sa mga paborito nating personalidad. Halos lahat ng mga sikat na artista, singer, dancer, pulitiko at social media personality ay mayroon nang mga sarili nilang social media accounts.

Madalas na rin nating makita ang mga iniidolo nating personalidad na nagbabahagi ng ilang mga larawan at videos nila online. Sa mga posts nilang ito ay kapansin-pansin ang mga mamahalin nilang kasuotan, sapatos, damit, bag at iba pang mga palamuti sa katawan.

Isa na sa pinakasikat at pinakamahal na brand sa buong mundo ang Louis Vuitton. Ang sikat na “fashion company” na ito ay kilala rin bilang Louis Vuitton Malletier at mayroong mga initials na “LV”.

Taong 1854 nang maitatag ito sa Paris, France. Halos 167 taon na rin ang kompanyang ito kung kaya naman hindi na nakapagtataka kung gaano na ito kakilala saan mang sulok ng mundo.
Ngunit ano nga kaya ang mga dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay isa pa rin ito sa pinakasikat na brand sa buong mundo? Ito ang ilan sa mga rason ayon sa CNBC TV:

HIGH MANUFACTURING COST
Ang mga mamahaling produkto nila tulad na lamang halimbawa ng mga handbags ay sa France lamang ginagawa. Hindi sila nagtatayo ng ano mang pasilidad kahit saan sa mundo, tanging sa France lamang.

HANDMADE PRODUCTS
Ang lahat ng mga koleksyon ng Louis Vuitton ay gawang kamay ng mga mangagawa mula sa Europa at Estados Unidos gamit ang mga mamahaling mga materyales. Sa kabila ng modernong teknolohiya sa ngayon ay “sewing machine” pa rin ang gamit ng kompanyang ito.

LIMITED EDITION PRODUCTS
Limitado lamang ang mga produkto ng Louis Vuitton dahil sa oras na maka-kota na sila ng sales ay hindi na nila dinadagdagan pa ang mga produkto nilang ito sa merkado. Dahilan upang hindi na dumami pa ang mga pagpipilian ng kanilang mga parokyano at mas mapapanatili din nila ang mataas na halaga ng de-kalidad nilang mga produkto.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media