Connect with us

Viral

Isang netizen nais pang ipa-Lala move ang tulong na hinihingi niya sa isang community pantry para sa 16 na katao!

Published

on

Usong-uso na ngayon sa maraming mga lugar sa Pilipinas ang pagkakaroon ng mga community pantry. Layunin nitong magbigay ng tulong para sa maraming mga taong mas nangangailangan sa bawat komunidad.

Bawat taong nangangailangan ay maaaring kumuha ng tapat at sapat lamang habang ang mga taong nais namang tumulong ay maaari ding tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ang mga pagkain na maaari nilang itulong sa iba. Kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal ang ilang mga kakabaihan na tila namakyaw sa isang community quarantine, inubos kasi nila ang mga pagkain na dapat sana ay para sa mga taong mas nangangailangan.


Ngayon naman ay mayroon na namang isang taong nanghihingi na lamang ng tulong sa isang community pantry ngunit siya pa itong “demanding” at maraming pang sinasabing hindi maganda. Ayon sa naging post ng isang community pantry organizer na si Sofia Madrigal ay hindi niya kinakaya ang netizen na si Mel Fajardo.

Humihingi kasi ito ng tulong na 16 na mga packs para sa kaniyang mga kapamilya kahit pa nga siya ay taga-Bicutan. Nais din nitong ipa-Lalamove na lang ang mga hinihinging tulong sa halip na siya mismo ang pumunta at kumuha ng mga ito.

Nilinaw naman ni Sofia na nakalista ang lahat ng kanilang tutulungan sa ngayon kung kaya naman sa ikalawang batch pa sila maaaring maisingit. Tila hindi nais ni Mel na maghintay pa sila dahil diumano ay mamamatay na raw sila sa gutom kung kaya huwag na lamang daw mag-abala pa si Sofia na tumulong.

Hindi naman makapaniwala si Sofia na mayroon pa rin palang mga ganitong klase ng tao ngayong pandemya. Marami ding mga netizens ang hindi nakapagpigil at nagbahagi ng kanilang mga komento patungkol sa “demanding” na netizen.

Lahat naman tayo ay nasa mahirap na kalagayan sa ngayon ngunit hindi naman yata tama na maging ganoon ang kaniyang pakikipag-uusap lalo na sa tulad ni Sofia na nais lamang ding makatulong sa mga tunay na nangangailagan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media