Connect with us

Viral

Isang magandang tindera ng “banana cue” pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa angkin nitong kagandahan!

Published

on

Dahil sa pandemyang nararanasan pa rin ng maraming mga bansa ngayon ay hindi maipagkakaila na mas maraming mga Pilipino ang pinipiling maging positibo at determinado sa buhay. Halos higit isang taon na rin mula nang magsimulang kumalat ang pandemya sa Pilipinas at naging dahilan ito ng pagkalugi ng ating ekonomiya, turismo at ng marami pang mga negosyo.

Hindi man nais ng ilang mga kompanya ngunit kinailangan nilang magtanggal ng ilang mga empleyado upang makapagpatuloy ng kanilang operasyon. Sa kabila ng mga nakakatakot at nakakapangambang balita na ito ay mayroon pa rin tayong dahilan upang magpatuloy sa buhay at mas magpakatatag.

Hindi alintana ng 16 na taong gulang na si Yssa Nicole Nengasca mula sa Davao City ang hirap at pagod sa pagtitinda ng kaniyang mga banana cue makatulong lamang sa kaniyang pamilya. Siya ay naninirahan sa isang maliit na bayan sa Midsayap at kasalukuyang nag-aaral sa ika-11 baitang sa “Notre Dame of Midsayap College”.

Hindi na nakapagtatakang pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens ang angkin niyang kagandahan dahil aakailan mo talagang isa siyang artista. Isa siya sa mga mapapalad na taong nabiyayaan ng napakagandang hitsura.

Ngunit hindi tulad ng ibang magagandang dilag na puro pagpapaganda lamang ang alam, mas nais niyang tulungan ang kaniyang pamilya kahit sa munting halaga lamang na kaniyang kinikita mula sa kaniyang pagtitinda. Sa ngayon ay marami na rin ang sumusubaybay sa kaniya online, ayon sa ilang mga ulat ay mayroon na rin siyang sarili niyang YouTube channel.

Maraming mga netizens ang nagsasabing malaki ang pag-asa niyang makapasok at magtagumpay sa showbiz lalo na at napakaganda ng kaniyang mukha. Magiging sikat siyang bida sa mga teleserye at pelikula kung gugustuhin niya talagang maging isang artista.

Tunay nga na hindi dapat maging hadlang ang pandemya upang makatulong tayo sa ating pamilya. Wala sa edad o sa hitsura kundi sa intensyon at sa nilalaman ng iyong puso.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media