Connect with us

Viral

Isang magandang babae, humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo matapos diumano siyang perahan ng gwapo niyang nobyo!

Published

on

Sabi nila kapag daw nakilala mo na ang taong para sa iyo ay huwag na huwag mo na itong pakakawalan pa. Kadalasang humihiling tayo ng maganda o di kaya naman ay gwapong karelasyon ngunit kadalasan ay hindi rin nagiging magandang ang kinalalabasan nito.

Kamakailan lamang ay humingi ng tulong ang magandang dalagang si Camille Castro sa programa ni Raffy Tulfo. Ito ay matapos diumano siyang perahan ng dati niyang karelasyon.

Ayon sa naging pahayag ng dalaga ay nakakuha daw ng malaking halaga ng pera, mamahaling mga gamit at maging ang kaniyang investment ay nagalaw din ng kaniyang dating nobyo na si Paolo Fernandez. “Ghosting” daw kasi ang ginawa sa kaniya nito na matapos makuha ang lahat lahat sa kaniya ay agad na lamang itong naglaho.

Aakalain mong kwento ng mga artista ang kontrobersiyang ito sa pagitan nina Camille at Paolo ngunit nangyayari din talaga ang mga ito sa tunay na buhay. Una nang sinabi ni Camille na naglabas siya ng Php140,000 para makabili si Paolo ng bagong motorsiklo na para sana sa kanilang negosyo.


Halos nasa Php230,000 diumano ang nakuha ni Paolo mula sa dalaga kung kaya naman ngayon na hindi na niya ito mahagilap ay nais niyang mabawi ang pinaghirapan niyang pera. Masamang masama ang loob ni Camille dahil sa naranasan niya sa dating karelasyon.

Nais niya sanang kahit Php180,000 ay maibalik sa kaniya dahil ito lamang ang halaga na mayroon siyang mga kaukulang dokumento at resibo. Tunay nga na hindi talaga dapat nagiging basehan ang hitsura upang husgahan ang isang tao.

Hindi dahil gwapo o maganda ang isang indibidwal ay dapat na natin silang pagkatiwalaan kumpara sa mga taong hindi nabibiyaan ng magandang mukha. Napakasakit din na masira ang tiwala mo sa taong pinakamamahal mo ng lubos.

Sabi nga ng mga matatanda, ang nasirang tiwala ay hindi na kailan man maibabalik pa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media