Connect with us

Viral

Isang lalaking nagtrabaho noon bilang isang panadero, ngayon ay isa nang ganap na doktor!

Published

on

Matinding kahirapan ang dahilan ng maraming mga Pilipino kung kaya naman hindi na sila nakakapagtapos pa ng pag-aaral. Sa halip daw kasi na mag-aral ay mas pinaglalaanan na lamang nila ang oras at panahon ang paghahanapbuhay.

Dahil sa kailangan din nilang tulungan ang kanilang pamilya pagdating sa pinansiyal na pangangailangan ay hindi na nila nagagawa pang makamit ang kanilang pangarap. Ngunit hindi ganito ang nangyari sa 37 taong gulang na si Dr. Rommel Abellar Amos.

Mulat man sa matinding kahirapan mula noong siya ay bata pa ay hindi ito naging dahilan upang tumigil na siyang mangarap. Pangarap kasi niya talagang makapagtapos ng kolehiyo. Sinong mag-aakala na ang dating panadero noon ay isa nang ganap na doktor ngayon?

Ayon sa ibinahagi niyang kwento ng kaniyang tagumpay ay naging “water refiller” siya taong 2005. Naging merchandiser naman siya ng sumunod na taon sa SM Lazaro Supermarket.

Taong 2007 ay naging marketing assistant naman siya sa SYM Motors. Nang taong 2008 ay naging Sales Clerk siya sa Megamall at taong 2017 nga ay naging Assistant Baker din siya sa RDA Bakery.

Hindi naging madali ang naging pag-abot niya sa kaniyang pangarap kung kaya naman nais niya ring magbigay inspirasyon sa mga taong may pangarap sa buhay. Kung sasamahan lamang nito ito ng determinasyon, sipag, at tiyaga ay tiyak na makakamit din nila ang kanilang minimithi.

“Let us just treat poverty as a challenge, not an obstacle. I think that my humble beginnings were very deliberate, and I’m grateful for them because I’m not sure I would see my achievements the same way if they were handed to me. So I EARNED them.” Pahayag ni Dr. Rommel.

Sa ngayon ay isa na siyang ganap na “Licensed Physician” at “Registered Nurse”.

“Success has a way finding people who are worthy of it. To be successful means to earn it. Do not just dream about it, but also work hard and smart for it. Even if it takes a lot of time, the end goal will be worth the effort you’ve put into achieving it.” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media