Connect with us

Viral

Isang estudyanteng nagtatrabaho bilang isang construction worker, nakapagtapos na ng kaniyang pag-aaral bilang isang class valedictorian!

Avatar

Published

on

Marami sa atin ang mayroong mataas na pangarap para sa ating sarili ngunit higit pa rito ay ang ating pangarap para sa ating pamilya. Ngunit hindi madaling abutin ang ating mga pangarap lalo na kung maraming mga taong humuhusga sa atin.

Kung maraming mga taong pumupuna at nagsasabi ng mga negatibong komento ay talagang magiging mahirap ang pag-abot natin sa ating mga pangarap. Sa kabila ng napakaraming mga pagsubok ay hindi sumuko ang estudyanteng ito na nakilala bilang si Michael Español na mula sa Gueguesangaen, Mangaldan sa Pangasinan.

Hindi naging madali ang kaniyang buhay dahil sa talagang namulat siya at ang kaniyang pamilya sa kahirapan. Ang kaniyang ama ay nagtatrabaho bilang isang mensahero at halagang Php10,000 lamang ang kinikita niya sa loob ng isang buwan habang ang kaniyang ina naman ay nagtatahi ng mga damit.


Dahil sa nais talaga ni Michael na makapagtapos ng pag-aaral ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na magtrabaho bilang isang construction worker sa tuwing wala siyang pasok sa eskwela. Bawat araw ay kumikita siya ng halos Php250.00.

Ang lahat ng kaniyang kinita ay ginagamit niyang pambili ng uniporme at mga gamit sa eskwela. Sa kabila ng hirap at pagod na kaniyang naranasan ay nagbunga pa rin ang kaniyang pagsusumikap dahil sa nagtapos siya bilang isang “class valedictorian”.

Nagtapos siya sa Gueguesangen Integrated School at talagang magaganda ang kaniyang mga naging grado. Hindi lamang siya sa “academics” mahusay kundi maging sa mga “extra-curricular activities”.

Hindi siya makapaniwala noong una ngunit laking pasasalamat niya dahil sa wakas ay natupad na rin ang isa sa kaniyang mga pangarap. Sa kabila ng mga panghuhusga sa kaniya ng mga tao sa kaniyang paligid ay nagawa pa rin niyang makapagtapos dahil sa sarili niyang pagsisikap.

Proud na proud naman sa kaniya ang kaniyang buong pamilya lalo na ang kaniyang ama na si Tatay Marlon. Tunay nga na patunay lamang ito na hindi kailanman hadlang ang kahirapan upang makamit mo ang pangarap mo sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media