Connect with us

Showbiz

Dimples Romana proud na proud sa kaniyang anak na si Callie na nakapagtapos na ng highschool!

Published

on

Si Dianne Marie Romana-Ahmee ay 36 na taong gulang na aktres at endorser. Marami ang humanga sa kaniya dahil sa angkin niyang galing sa pag-arte.

Photo credit: Dimples Romana

Mas napansin ng publiko ang kaniyang pambihirang talento sa naging pagganap niya bilang si Daniela Mondragon sa teleseryeng Kadenang Ginto na pinagbidahan din naman nina Beauty Gonzalez, Albert Martinez, Adrian Alandy, Andrea Brillantes, at Francine Diaz. Hindi na nga nakapagtataka na mas maraming mga oportunidad ang dumating sa kaniya buhat ng matapos ang proyekto nilang ito.

Photo credit: Dimples Romana

Sa ngayon, panibagong biyaya na naman ang kaniyang natanggap dahil sa nakapagtapos na ng hayskul ang kaniyang panganay na anak na si Callie. Si Dimple ay ikinasal sa kaniyang mister na si Boyet Ahmee at biniyayaan sila ng dalawang mga anak, sina Callie at Alonzo.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Dimples sa publiko kung gaano sila kaligaya at ka-proud sa naging pagtatapos ng kanilang panganay na anak. Kalakip ng kanilang “family picture” ay nagbahagi ng napakagandang mensahe si Dimples kung saan sinabi niyang proud sila ng kaniyang mister dahil sa wakas ay nakapagtapos na ng hayskul ang kanilang anak at kasunod nito ay magkokolehiyo na ito.

Dagdag pa ng aktres, sa panahon natin ngayon ay napakaraming kinailangan lagpasan ng mga estudyante dahil na rin sa naging pagkalat ng pandemya ngunit hindi ito kailanman naging hadlang upang hindi mag-aral ng husto ang kaniyang anak. Napakapalad ni Callie dahil sa mayroon siyang mga mapagmahal na magulang na walang ibang nais kundi ang suportahan silang magkapatid sa abot ng kanilang makakaya.

Samantala, marami namang mga netizens ang bumati sa buong pamilya lalo na kay Dimples at sa kaniyang mister dahil sa nakapagtapos na rin sila ng isa nilang anak. Batid nilang malayo ang mararating ni Callie dahil isa siyang masipag at matalinong bata.

Photo credit: Dimples Romana

Patunay lamang ito na naging maayos at mabuti ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media