Connect with us

Viral

Dating sumisisid lamang sa Pier para sa kaunting barya, isa nang ganap na guro ngayon at nakapagtapos pa ng kaniyang Master’s Degree!

Published

on

Marami nang mga Pilipino ang nakapagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang hindi nila makamit ang kanilang mga pangarap. Kahit pa nga napakaimposible ng pangarap nilang makapagtapos ng kolehiyo ay gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan upang makamit ang pangarap nilang ito.

Hindi kailan man magiging madali ang pag-abot nila sa kanilang mga pangarap ngunit mas masarap daw ang karanasan na ito kaysa naman sa madali mong makukuha ang lahat nang hindi mo man lamang pinaghihirapan. Kamakailan lamang ay bumilib ang publiko sa kwento na ito ng isang dating pulubi at maninisid sa pier na si Arlene E. Alex.

Sa kabila kasi ng paghihirap na kanilang naranasan ay masasabi niyang napagtagumpayan na niya ang mga ito, ngayong siya ay ganap nang guro at nakapagtapos na ng kaniyang Masteral Degree. Sa edad na 22 taong gulang ay nakamit na niya ang matagal na niyang pangarap.

Noon ay pinasok na rin niya ang pagiging isang pulubi mabigyan lamang ng kaunting suporta ang kaniyang mga magulang at naranasan na din niyang sumisid sa pier para lamang makakuha ng kaunting barya. Nakakalungkot kung iisipin dahil sa murang edad ay naranasan na niya ang mga ito.


Ngunit sa kabuuan ay talagang ito mismo ang nagpatatag at humubog sa kaniya kung nasaan man siya ngayon. Ngayong nakamit na niya ang kaniyang pangarap ay ninais na din niyang makatulong sa kaniyang kapwa sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata ng IPED at maging sa ilang mga kabataang Badjao.

Nais niya rin kasing matuto sila sa buhay. Sa ibinahagi niyang graduation picture ay makikita ang napakasarap na resulta ng kaniyang pagtitiyaga at pagsusumikap sa buhay.

Tunay nga na sa kabila ng maraming mga pagsubok at paghihirap ay pasasaan ba’t makakamit mo rin ang tagumpay na nararapat para sa iyo. Kung kaya naman para sa marami pang mga Pilipino na patuloy na nangangarap, hindi pa huli ang lahat.

Ang ating mga pangarap ay dapat samahan ng aksyon, sipag, tiyaga at panalangin.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media