Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo, walang arteng nagtanim ng ilang puno at nagpakain ng hayop sa kaniyang napakalawak na farm!

Published

on

Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom o mas nakilala natin bilang si Bea Alonzo ay 33 taong gulang na aktres, modelo, at singer. Isa siya sa mga artistang hinahangaan dahil sa pambihira niyang talento sa pag-arte.

Dahil dito ay marami na rin siyang natanggap na pagkilala dahil sa mga natatangi niyang pagganap sa ilang mga proyekto niya. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagbabahagi ni Bea ng kaniyang napakalawak na farm sa Zambales.

“Beati Firma” ang pinangalan niya sa kaniyang farm hango mismo sa kaniyang pangalan. Ang kaniyang ina na si Mary Anne Ranollo ang punong tagapamahala ng farm nilang ito.

Taong 2011 nang mabili niya ang lupa na ito na noong una ay talagang pinangangambahan pa niya kung makakaya ba nilang maalagaan ito. Sa ngayon ay talagang mamamangha ka na sa angking ganda ng kanilang farm.

Sinong magsasabi na nagdalawang-isip pa ang aktres bago bilhin ang property na ito noon? Naging napakalaking tulong nito sa kanila lalo na nitong panahon ng pandemya.

Mas sigurado silang ligtas sila mula sa nakakahawang sakit dahil sa malayo sila sa maraming mga tao at lahat ng kanilang mga kailangan ay nasa farm na nila. Matatapos na rin ang ipinapagawa nilang bahay para sa kanilang mga manggagawa sa farm kung kaya naman mayroon nang ilan sa mga ito ang nakalipat.

Napakaraming mga puno, halaman at mga hayop na matatagpuan dito. Sa kaniyang “farm update” noong Mayo 15 ay ibinahagi niya ang naging mga pagbabago rito.

Plano nilang ilipat ang mga puno ng saging sa ibang lugar upang mapalitan ito ng mga puno ng niyog. Kasama sa vlog na ito ni Bea ang kaniyang ina na siya ring nag-alok sa aktres kung gusto ba niyang magtanim.

Hindi naman ito inatrasan ni Bea dahil sa agad nitong itinamin ang dalawang puno ng kalamansi sa kanilang farm. Nagpakain rin siya ng mga baka at talagang makikitang gusto niya ang kaniyang ginagawa.

Marami ang namangha kay Bea dahil sa kabila ng kaniyang kasikatan at nakamit na tagumpay ay nagagawa pa rin niya ang maraming mga bagay kahit gaano pa ito kahirap sa paningin ng ibang tao.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media