Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo, ipinasyal ang kaniyang mga tagasubaybay sa kaniyang “newly-renovated” na gym sa loob mismo ng kaniyang bahay!

Published

on

Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom o si Bea Alonzo ay 33 taong gulang na aktres, modelo, endorser at vlogger. Marami ang natuwa nang malamang mayroon na rin siyang sarili niyang YouTube channel.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Mula sa platform na ito ay mas nakikilala pa siya ng kaniyang mga tagahanga mula noon hanggang sa ngayon. Isa siya sa may pinakamagandang mukha ngayon sa industriya ng showbiz.

Hindi rin maipagkakaila kung gaano siya kagaling at kahusay bilang isang aktres. Dahil dito ay marami na siyang naipundar at nabili para sa kaniyang sarili.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Hindi rin niya nakalimutang magpundar para sa kaniyang sariling pamilya. Nasorpresa din kasi ang marami niyang mga tagasuporta nang ibahagi niya sa kaniyang channel ang napakaganda at napakalawak nilang farm sa Zambales.

Ngayon naman ay tapos na ang ipina-renovate niyang bahagi ng kaniyang bahay. Ayon sa aktres ay dating family room ang lugar na ito ngunit napagdesisyunan niyang gawin na lamang itong isang gym.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Matatagpuan ito sa ikatlong palapag ng kaniyang magarang bahay. Masayang masaya si Bea dahil sa wakas ay tapos na ang kaniyang gym.

Hindi na siya mag-aalala pa sa panganib ng pandemya dahil sa loob lamang ng kaniyang bahay ay maaari na niyang mas maalagaan pa ang kaniyang pangangatawan at kalusugan. Sa napakagandang gym ni Bea ay makikita ang kaniyang mga gym equipment.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Mayroon siyang squat machine treadmill, punching bag, weights, exercise bike at marami pang iba. Ang gym niyang ito na dati nilang family room ay binigyan din niya ng maganda at bagong bihis.

Nagpalagay siya rito ng mga ilaw, mga halaman, at maraming mga salamin. Inalis na rin niya ang kaniyang kurtina noon at pinalitan ng mga blinds. Nais niya kasing maging maluwag at maaliwalas ang kaniyang paligid sa tuwing nag-eehersisyon siya.

Ang maliit na parte sa gym niyang ito at mayroong lugar kung saan siya maaaring mag-Yoga. Mayroon din naman siyang mini sauna sa loob mismo ng kaniyang banyo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media