Connect with us

Viral

Angeline Quinto, ipinasilip sa publiko ang ipinatayo niyang dream house para sa kaniyang Mama Bob!

Avatar

Published

on

Maraming mga kabataang Pilipino ang malapit sa kanilang mga lolo at lola. Ito ay dahil sa ating kultura na kahit mayroon nang sariling pamilya ang mga anak ay talagang naglalaan pa rin sila ng oras para sa kanilang mga magulang.

Image source: Instagram/loveangelinequinto

Hinahayaan nilang magkakilala ang mga apo at ang mga lolo at lola. Talaga namang napakahalaga para sa atin ng ating pamilya.

Tulad ng maraming mga Pilipino ay napakahalaga rin para sa singer na si Angeline Quinto ang kaniyang pamilya lalong lalo na ang kaniyang Mama Bob. Kung kaya naman para sa kaniya ay nais niya talagang ibigay ang lahat ng kaniyang makakaya para sa kaniyang mahal na ina.

Image source: Instagram/loveangelinequinto

Ayon sa ilang mga ulat, hindi si Mama Bob ang tunay na ina ni Angeline dahil sa inampon lamang siya nito mula sa kaniyang ina na kapatid talaga ni Mama Bob. Sa kabila nito ay hindi kailanman naramdaman ng sikat na singer na hindi siya tunay na anak nito.

Image source: Instagram/loveangelinequinto

Mas lalo pa nga silang naging malapit sa isa’t-isa dahil sa si Mama Bob mismo ang nagtaguyod at sumuporta kay Angeline mula nang bata ito. Kung kaya naman kahit wala na si Mama Bob ay itinuloy pa rin niya ang pagpapaayos ng kanilang “dream house”.

Image source: Instagram/loveangelinequinto

Ipinasilip ito ni Angeline kamakailan lamang sa kaniyang mga tagahanga. Bago pa man pumasok sa kanilang bahay ay makikita na kaagad ang maraming mga puno at halaman.

Sa pintuan naman nila ay mayroong bituin na ipinasadya si Angeline dahil ito ang simbolo ng kaniyang tagumpay. Sa kanilang sala naman ay mayroong isang malaking upuan kung saan madalas umupo ang kaniyang Mama Bob noong nabubuhay pa ito.

Image source: Instagram/loveangelinequinto

Dito rin makikita ang grand piano na regalo sa kaniya ng kaniyang mentor. Ang kaniyang dining set ay regalo ng malapit niyang kaibigan na si Vice Ganda habang ang kitchen area naman niya ay regalo sa kaniya ni Dra. Vicki Belo.

Madalas naman magpalipas ng oras at magkwentuhan sina Angeline at ang kaniyang mga kaibigan sa kanilang swimming pool. Mayroon ding rebulto ng Poong Nazareno ang singer dahil sa matagal na silang deboto nito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media