Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann, masayang ipinagdiwang ang Mother’s Day kasama ang kaniyang partner na si Philmar at ang kaniyang mga anak na sina Lilo at Baby Koa!

Published

on

Kailan man ay hindi natin magagawang tumbasan ang sakripisyo at paghihirap ng mga ilaw ng tahanan. Hindi lamang sila asawa ng kanilang mister ngunit sila ay ina rin ng kanilang mga anak.

Photo credit: Happy Islander Youtube

Sadyang napakaraming mga pasan na responsibilidad ng ating mga magulang lalo na ng ating mga ina kung kaya naman karapat-dapat lang na pasalamatan natin sila at pahalagahan ang mga bagay na kanilang ginagawa para sa atin. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng dating aktres at modelong si Andi Eigenmann ang simpleng paghahanda na ginawa niya para sa Araw ng mga Ina.

Photo credit: Happy Islander Youtube

Sa ngayon ay masayang naninirahan si Andi sa probinsiya ng Siargao kasama ang kaniyang partner na si Philmar, ang anak niyang si Ellie sa dati niyang nobyong si Jake Ejercito at ang mga anak nila ni Philmar na sina Lilo at Baby Koa. Unang sinimulan ni Andi ang kaniyang araw sa pag-inom ng kape at pag-eehersisyo.

Photo credit: Happy Islander Youtube

Matapos nito ay inihanda na niya ang paboritong Banana Waffles ng kaniyang mag-aama. Simple lamang ang naging preparasyon niya rito ngunit talagang nakasisigurado siyang masustansiya ang bawat pagkaing inihahanda para sa kaniyang pamilya.

Photo credit: Happy Islander Youtube

Bahagya naman siyang nakapahinga ngunit agad din siyang lumabas kasama ang kaniyang mga anak upang makapamili ng kakailanganin niyang mga sangkap para sa ihahanda niyang Tuna Pasta. Simple rin ang naging paghahanda niya rito ngunit sarap na sarap din ang kaniyang pamilya sa kaniyang naging pagluluto.

Photo credit: Happy Islander Youtube

Makikita rin sa vlog na ito ni Andi kung gaano kabibo ang kaniyang anak na si Lilo. Hindi lamang ito maganang kumain dahil talagang marami na rin siyang kayang bigkasin na mga salita at sobrang maalam na rin siya pagdating sa pagharap at pagpapa-cute sa harapan ng kamera.

Marami nga ang humahanga kay Andi dahil kahit pa nga mula siya sa isang mayamang pamilya at talagang kilala ang kaniyang mga magulang na sina Jaclyn Jose at nasirang Mark Gil ay pinili pa rin niyang mamuhay ng simple kasama ang kaniyang sariling pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media