Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann, ibinahagi sa kaniyang vlog ang bagong hobby ng kaniyang partner na si Philmar Alipayo at nagbigay din siya ng ilang tips kung paano alagaan ang sarili kahit mommy na!

Published

on

Hindi na bago sa publiko ang kwento ng pag-ibig ni Andi Eigenmann. Siya ang anak ng mga batikang artista na sina Jaclyn Jose at ang nasirang Mark Gil.

Tulad ng kaniyang mga magulang at kapatid ay pumasok din siya sa industriya ng showbiz kung saan nga hinangaan din siya dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at maging sa pagmomodelo. Nabigyan siya ng ilang mga proyekto na talaga namang minahal ng publiko.

Sa kabila ng ningning ng kaniyang karera ay nagdesisyon siyang iwanan ang lahat ng ito upang mamuhay ng tahimik kasama ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo. Siya ay isang professional surfer at ilang beses na din siyang nagbigay ng karangalan sa bansa.

Sa kabila nito ay nakakatanggap pa rin siya ng mga panlalait at panghuhusga mula sa ibang tao buhat nang maging magkarelasyon sila ng aktres. Sa ngayon ay masayang masaya na ang kanilang pamilya dahil bukod kay Ellie na anak ni Andi sa dati niyang nobyong si Jake Ejercito ay nabiyayaan na rin sila ng dalawa pang mga anak.

Talaga namang napakabibo nina Lilo at Baby Koa. Kamakailan lamang ay nagbahagi na naman ng isang video si Andi sa kanilang YouTube channel na Happy Islanders kung saan ipinasilip niya ang bagong libangan o hobby ng kaniyang partner na si Philmar.

Sa ngayon ay kinagigiliwan niya ang “Motocross adventure” kasama ang kaniyang mga kaibigan sa isla ng Siargao. Ang “Motocross rider” at kinilala bilang “King of Philippine Motocross” na si Bornok Mangosong pa ang mismong tumutulong at gumagabay sa kanila.

Samantala, nagpaalala din naman si Andi sa maraming mga kababaihan na kahit gaano sila kaabala sa kanilang mga trabaho at sa pag-asikaso ng sarili nilang pamilya ay huwag na huwag nilang hayaan ang kanilang sarili. Hangga’t maaari ay sikapin nilang palakasin ang kanilang pangangatawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at paghahanap ng ilang mga libangan tulad na lamang ng hobby niya ngayon na boxing.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media