Connect with us

Showbiz

Anak ni Jeric Raval na si AJ Raval, umani ng maraming komento matapos i-post ang kaniyang video habang naglilinis ng kwarto!

Published

on

Ang 26 na taong gulang na si AJ Raval o si Elizabeth Buensuceso sa tunay na buhay ay ang anak na babae ng action star at matinee idol noong ‘90s na si Jeric Raval. Marami ang humanga kay Jeric dahil hindi lamang siya matipuno, mayroon din siyang pambihirang talento sa harapan ng kamera.

Maraming mga netizens ang nagulat dahil anak pala niya ang bagong pantasya ng bayan ngayon na si AJ Raval. Napakaamo ng kaniyang mukha at talaga namang mabibighani ka rin sa angkin niyang kaseksihan.

Aminado si Jeric na hindi talaga siya sang-ayon sa nais ng kaniyang anak na magpaseksi sa mga teleserye at pelikula ngunit dahil sa batid niyang ito ang magpapasaya sa kaniyang anak ay sinuportahan na lamang niya ito. Gumagabay pa rin siya sa mga desisyon nito lalo na pagdating sa industriya ng showbiz.


Talaga namang marami na ngayon ang umiidolo sa dalaga. Kamakailan lamang ay nagtampok ng isang video si AJ sa kaniyang YouTube channel.

Ang konsepto ng vlog niyang ito ay ang paglilinis niya ng kaniyang kwarto sa Pampanga. Simpleng paglilinis lamang ito ng kaniyang kwarto ngunit napakarami na agad nitong views, higit sa 1.5 milyon.

Marami rin ang nakapansin sa manipis na kasuotan ni AJ. Wala rin siyang suot na panloob kung kaya naman aninag din ang halos buong katawan niya.

Sa kabila nito ay tila hindi alintana ng dalaga ang mga maaaring makita o maaaring tingnan ng kaniyang mga tagasubaybay. Maaalalang naging kontrobersiyal din ang mapangahas at mapusok na pagganap ni AJ sa pelikula nila ni Diego Loyzaga.

Sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinagkakaguluhan ang mga larawan at video ni AJ. Marami din ang pumupuri sa kaniya dahil hindi lamang siya maganda at seksi kundi talagang may talento rin siya sa pag-arte.

Ano pa nga kaya ang ipapamalas ni AJ sa kaniyang mga susunod na proyekto?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media