Connect with us

Showbiz

Aakalain mong isang mini art museum ang bahay ni Beauty Gonzales dahil sa napakarami niyang koleksyon ng artworks, artifacts, at mga religious figures!

Published

on

Si Christine Marie Beauty Luche Gonzalez-Crisologo o mas nakilala natin bilang si Beauty Gonzalez ay 29 na taong gulang na aktres, host, modelo at vlogger. Marami ang nakapansin sa angkin niyang kagandahan at sa kaniyang pambihirang talento pagdating sa pag-arte.

Photo credit: Ria Prieto Youtube

Hindi na rin nakakapagtaka na marami ang lalong humanga sa kaniya nang gampanan niya ang karakter ni Romina Andrada-Mondragon sa teleseryeng “Kadenang Ginto”. Taong 2016 nang isilang niya ang anak nila ng art curator na si Norman Crisologo.

Photo credit: Ria Prieto Youtube

Pinangalanan nila ang kanilang anak na Olivia Ines. Marso 2017 nang sila ay ma-engage at Mayo nang taon ring iyon nang sila ay ikasal sa Tagaytay. Marami man ang naging hadlang sa kanilang relasyon noon ng kaniyang asawa ay talaga namang masayang masaya at kuntento na siya sa ngayon.

Photo credit: Ria Prieto Youtube

Sa katunayan ay ipinasilip niya na rin ang napakaganda nilang bahay sa Maynila. Aakalain mo talagang isa itong mini art museums dahil sa napakarami niyang koleksyon ng artworks, artifacts, at mga religious figures!

Photo credit: Ria Prieto Youtube

Itinampok ito sa vlog mismo ng content creator na si Ria Prieto. Habang inililibot ni Beauty si Ria sa kanilang napakagarang bahay ay hindi niya mapigilang mamangha dahil sa halos lahat na yata ng patungkol sa sining ay maaaring makita dito.

Halimbawa na lamang ang mga nakakamanghang artworks, artifacts, antiques, religious figures at marami pang iba. Naibahagi rin ni Beauty na hilig na talaga ng kaniyang mister na mangolekta ng mga kakaibang bagay at magagandang art works.

Photo credit: Ria Prieto Youtube

Maging sa silid ng kanilang anak ay mapapansin din ang ilang mga obrang mas nagpapaganda pa sa buong lugar. Sa gitna ng kanilang pagkukuwentuhan ay hindi naiwasan ni Ria na itanong sa aktres kung mayroon ba siyang nararamdaman na ibang presensiya o di kaya naman ay multo sa kanilang bahay?

Madalas kasi nating marinig ang mga ganitong kababalaghan lalo na kung mahilig sa mga lumang bagay ang may-ari ng bahay. Nilinaw naman ng aktres na walang ganitong elemento sa loob ng kanilang tahanan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media