Connect with us

Viral

Siyam na taong gulang na bata, matiyagang nilalakad ang 10 kilometro araw-araw para lamang magtrabaho bilang isang mascot!

Published

on

Pahirap na ng pahirap ang buhay natin sa ngayon. Patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bilihin habang ang sweldo naman ng mga manggagawa ay hindi man lamang nadaragdagan.

Nakakalungkot isipin ngunit talagang wala tayong magawa kundi mas maghigpit na lamang ng sinturon at umasang balang araw ay makakaraos din tayo sa buhay. Kamakailan lamag ay nagsilbing inspirasyon ang batang ito sa publiko dahil sa kabila ng kaniyang edad ay talagang nagsumikap pa rin siyang matulungan ang kaniyang pamilya sa sarili niyang pamamaraan.

Source: rhmadii

Agad na kumalat ang kaniyang mga larawan sa social media matapos itong i-post ng isang netizen. Marami ang naantig sa kwento ni Rehan dahil sa edad na siyam na taong gulang ay kinailangan na nitong maranasan ang hirap ng pagtatrabaho.

Araw-araw ay tinitiis niya ang paglalakad ng 10 kilometro para lamang makarating sa kaniyang pinagtatrabahuhan kung saan siya nagiging tagapag-aliw ng mga taong naiipit at naiinip sa gitna ng matinding trapiko. Siya ay nagtatrabaho bilang isang mascot. Ilan sa mga cartoon characters na kaniyang isinusuot ay sina Dora, Upin and Ipin, Spongebob Squarepants at marami pang iba.

Source: rhmadii

Ayon sa batang ito ay nais lamang niyang tulungan ang kaniyang ina na maghanapbuhay upang makadagdag sa pambayad nila ng renta at para na rin sa kanilang pangkain. Masaya siya sa kaniyang ginagawa kahit pa nga hindi niya nagagawa ang madalas na ginagawa ng maraming mga kabataan.

Kung ang maraming mga bata ay naglalaro lamang o di kaya naman ay nag-aaral ng husto, siya naman ay nararanasan na ang matulog sa isang tabi at pagtiyagaan ang maliit na pera na kaniyang kinikita. Tunay nga na hindi lahat ng bata ay katulad ni Rehan na talagang kayang magsakripisyo para sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Source: rhmadii

Napakapalad ng kaniyang mga magulang dahil sa murang edad ay mayroon na silang isang responsable at maasahang anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media