Connect with us

Showbiz

Sheena Halili, napanatili ang magandang at seksing pangangatawan kahit pa isa na siyang ina sa kaniyang baby girl na si Martina!

Avatar

Published

on

Maraming mga kababaihan ang tiyak na makaka-relate sa kapwa nila babae lalo na kung naging asawa at ina na sila. Napakalaki kasi ng pagbabago na maidudulot nito sa isang babae.

Photo credit: Sheena Yvette Halili

Mula sa pagiging dalaga na kayang gawin ang lahat ng bagay na kaniyang gugustuhin, magiging mahirap na ito para sa isang babae na mayroon nang sariling pamilya. Magiging prayoridad niya na kasi ang pag-aalaga at pag-aasikaso sa kaniyang mister, sa kanilang anak at magiging mga anak pa.

Photo credit: Sheena Yvette Halili

Madalas na nagiging panghuli na sa listahan ang sariling pangangatawan, hitsura at kalusugan nila na hindi dapat kaligtaan ng maraming mga kababaihan sa ngayon. Nito lamang Pebrero, halos dalawang buwan pa lamang mula nang magsilang sa kaniyang panganay na anak ang aktres na si Sheena Halili ay ginulat niya ang publiko dahil sa napakaganda niyang pangangatawan.

Photo credit: Sheena Yvette Halili

Kasama ang kaniyang anak na si Baby Martina ay talagang lumutang ang angking kagandahan at kaseksihan ng aktres kahit na simpleng damit lamang ang kaniyang suot. Hindi na nga napigilan pa ng kaniyang mga followers na magkomento at purihin ang kaniyang napakagandang pangangatawan.

Photo credit: Sheena Yvette Halili

Biro pa ng ilan, tila ba hindi naman nanganak ang aktres dahil talagang makikita mong ganoon pa rin ang kaniyang pangangatawan kahit noong dalaga pa siya. Marami din naman ang napa-sana all sa post na ito ni Sheena. Wala na raw kasi itong puson at talagang mas lalo pang naging “blooming”.

Kung sana lamang daw ay magawa rin nilang mapanatili ang ganito kagandang pangangatawan kahit na sila ay mayroon nang asawa at mga anak. Maging ang kapwa niya mga artista ay hindi na rin napigilang magkomento sa kaniyang post tulad na lamang halimbawa nina Chariz Solomon at Charee Pineda.

Photo credit: Sheena Yvette Halili

Patunay lamang ito na kung kaya ni Sheena ay maaari din nating makaya ang alagaan ang ating pangangatawan at lalong lalo na ang ating kalusugan lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media