Connect with us

Showbiz

Scooter tutorial nina Vice Ganda at Ion Perez, punong-puno ng kilig na talaga namang sinubaybayan ng mga netizens!

Avatar

Published

on

Mahigit isang taon na rin buhay nang makapasok at tuluyang kumalat sa Pilipinas ang nakakahawang sakit dulot ng pandemya. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang natatakot na lumabas ng kanilang mga tahanan dahil sa pangamba na mahawa sila ng naturang sakit.

Marami man ang naitatalang mga “recovered cases” sa bansa, patuloy namang lumolobo ang bilang ng mga “active cases” at gayundin din naman ang mga taong nasasawi dahil dito. Dahil sa bawal lumabas ang publiko ay nag-iisip na lamang sila ng maraming mga bagay upang hindi sila mainip sa loob ng kanilang tahanan.

Tulad na lamang ng ginawang ito ng magkarelasyon na sina Vice Ganda at Ion Perez. Nagpaturo kasi ang batikang host at komedyanteng si Vice kay Ion kung paano sumakay sa isang electric scooter.
Plano na talaga ni Vice na bumili ng isang Vespa Scooter ngunit hindi talaga siya sanay na magpatakbo ng scooter kahit sa loob lamang ng kanilang tahanan. Nagdadalawang-isip pa nga si Vice na magsanay sa loob ng kanilang bahay dahil baka siya makabasag o makasira ng gamit.

Ngunit nangako naman ag kaniyang nobyong si Ion na si hindi siya nito hahayaang masaktan o matumba. Dahil dito ay nakumbinsi naman si Vice. Nang medyo magamay na ni Vice ang electric scooter na ito ay lumabas na sila ng bahay upang mas makapagsanay pa siyang lalo.

Mas natuto siyang magmaniobra at magpatakbo ng pataas o pababang direksyon. Mas kinilig pa ang kanilang mga tagahanga dahil sa mga batuhan ng matatamis na banat ng dalawa para sa isa’t-isa.

Bandang huli ay nagpasalamat ng husto si Vice sa naging pagtuturo sa kaniya ni Ion. Niyakap niya ito at sinabihan ng “I love you.”

Tunay nga na mas nagiging matatag ang relasyon ng isa’t-isa kung maglalaan tayo ng oras para sa taong mahal mo. Tulad na lamang ng ginawa nina Ion at Vice na isang simpleng bonding kahit nasa loob lamang ng kanilang tahanan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media