Connect with us

Viral

Pizza Hut, nagdeliver ng pizza gamit ang isang Ferrari para sa kanilang April Fool’s Day celebration!

Published

on

Hilig ng maraming mga Pilipino ang pagkain. Madalas ay hindi na nagiging maganda ang epekto nito sa ating pangangatawan ngunit talaga naman kasing napakasarap kumain, hindi ba?

Photo credit: Pizza Hut Malaysia

Tayong mga Pilipino, bukod sa mahilig kumain at masarap din tayong magluto. Hindi maipagkakaila na napakadami nating masasarap na pagkain at inumin sa iba’t-ibang sulok ng bansa.

Ngunit madalas ay nakakapanabik pa ring makaranas ng mga bagay tulad na lamang ng pagdedeliver na ito ng Pizza Hut gamit ang isang “Ferrari” Ang presyo o halaga ng isang Ferrari ay nasa $200,000-$300,000 o mahigit sa Php9.7 million o mahigit sa Php14.6 million.

Isang Pizza Hut outlet sa Malaysia ang gumawa ng prank sa ilan sa kanilang masuswerteng mga kostumer dahil sa isang mamahaling sasakyan pa ang naghatid ng kanilang inorder na pizza.

Photo credit: Pizza Hut Malaysia

“Pizza Hut has always been known for bringing so much more than just ‘pizza’ – everything we do celebrates the pizza itself, the power it has to turn an ordinary moment into a fun and memorable one,” pagbabahagi ng Chief Marketing Officer ng Pizza Hut Malaysia na si Emily Chong.

“This year, what better way to celebrate and amp up the fun spirit of April’s Fools Day than by pranking our customers with an unexpected twist in our delivery service.” Dagdag pa niya.

Ang stratehiyang ito ay inilunsad upang maging viral ang brand sa pagdiriwang ng April Fool’s Day. Nais din nilang kahit papaano ay mapasaya ang puso ng maraming mga tao sa gitna ng pandemyang kinahaharap pa rin natin sa ngayon.

Sino ba naman ang hindi gugustuhing kumain ng Pizza kasama ang pamilya? Bukod pa rito ay hindi araw-araw ay mayroong isang maganda at magarang sasakyan na magdedeliver sa iyo ng pizza, hindi ba?

Photo credit: Pizza Hut Malaysia

Umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang ginawang ito ng Pizza Hut, ngunit sa kabilang banda, marami namang mga netizens ang nagsasabing masyadong mahal ang pagkakaroon ng isang Ferrari para sa “promotion” o “marketing strategy” lamang.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media