Connect with us

Viral

Pangarap na bahay ng isang lalaki, naipatayo niya sa halagang Php85,000 lamang!

Avatar

Published

on

Isa na marahil sa malaking problema ng mga Pilipino ang pagpupundar ng sariling bahay at lupa lalo na kung ikaw ay “minimum wage earner” lang. Napakahirap na ng buhay sa ngayon kung kaya naman kakailanganin mo talaga ng ilang milyong piso upang makabili ng lupa at panibagong gastos rin upang makapagpatayo ng iyong pangarap na bahay.

Photo credit: JM Domio facebook

Imposible ito para sa iilan ngunit para sa lalaking ito na nagngangalang JM Domio, walang imposible sa taong mayroong pangarap sa buhay. Naisakatuparan niya kasi ang pangarap niyang makapagpatayo ng sarili niyang bahay sa halagang Php85,000 lamang.

Photo credit: JM Domio facebook

Ang kaniyang “dream kubo” ay gawa sa kahoy at magagaan na mga materyales. Ngunit sinigurado niyang magiging matibay ang paggawa ng kaniyang bahay.

Ayon pa kay JM kung para sa ibang tao ay sa resorts lamang nila makikita ang mga cottage at villa houses na ito, para sa kaniya ay isa itong lugar kung saan siya maaaring magrelaks at mag-unwind. Sa ilang mga larawan na kaniyang ibinahagi online, makikita ang bawat proseso ng paggawa ng kaniyang “dream house” mula sa pinakaunang hakbang hanggang sa unti-unti na itong nabuo.

Photo credit: JM Domio facebook

Kahoy ang napili niyang materyales para sa kaniyang bahay dahil sa marami nito sa kanilang lugar at hindi rin ito ganoon kamahal lalo na at sa probinsiya siya naninirahan. Talagang hands-on siya sa naging paggawa ng kaniyang bagong bahay.

Photo credit: JM Domio facebook

Masayang masaya naman siya sa kinalabasan nito dahil sa napakaganda nito at kaaya-aya naman talaga. Maraming mga netizens din ang nagpahayag ng kanilang mga komento at reaksyon sa post na ito ni JM na ngayon ay umani na ng maraming mga views, likes, at shares.

Photo credit: JM Domio facebook

Tunay nga na hindi matatawaran ang naging pagsusumikap at pagtitiyaga ni JM para lamang matupad ang pangarap niyang ito. Nagsilbi siyang inspirasyon sa publiko lalo na sa mga kabataang Pilipino sa ngayon na nagnanais rin na makapagpatayo ng sarili nilang tahanan para sa kanilang sarili at maging sa magiging pamilya nila sa hinaharap.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media