Connect with us

Viral

Netizen, nagtanong sa kompanya ng Yakult kung bakit nga ba wala silang malaking size nito na agad naman nilang binigyang paliwanag!

Avatar

Published

on

Napakasarap balikan ng ating kabataan hindi ba? Maliban sa mga masasayang alaala natin kasama ang ating pamilya at mga kaibigan ay nakakatuwa ring malaman na maraming mga bagay tulad na lamang halimbawa ng mga laruan at pagkain ang hinding hindi natin malilimutan sa paglipas ng maraming taon.

Isa na marahil sa pinakatumatak na bahagi ng ating kabataan ang “Yakult”. Isa itong “Japanese sweetened probiotic milk drink”, mayroon din itong “fermented bacteria strain Lactobacillus paracasei Shirota”.

Ayon sa ilang mga ulat, ang isang maliit na bote nito ay mayroong 10 milyong “unique probiotics” na mainam para sa iyong “digestive health”. Tulad ng matagal nang itinatanong ng maraming mga Pilipino, bakit nga ba sa maliit na lalagyan lamang ito maaaring inumin at hindi sa isang malaking bote?


Nagtanong ang netizen na si Roseller Kempis sa mismong Facebook Page ng Yakult at doon nga mismo ay nagbigay na ng paliwanag ang kompanya ng sikat na inumin. Ayon sa naging sagot nila ay iniiwasan nilang magkaroon ng malaking bote para sa kanilang inumin dahil sa kailangang maubos sa isang bukasan o sa isang upuan ang inumin na ito.

Mayroon kasing “live culture” sa loob ng mga malilit na bote ng Yakult na ito kung kaya naman malaki ang posibilidad na makontamina ang mga ito dahil sa pagbukas at pagsara ng takip ng isang malaking bote. Nagpasalamat naman si Roseller sa naging maagap na pagsagot ng kompanya.


Marami namang mga netizens ang tila nalinawan na kung bakit nga ba noon pa man ay wala nang malaking bote ng Yakult. Ilang mga netizens pa ang nagpahayag ng kanilang mga nakakatuwang komento at reaksyon patungkol dito.

Marami din ang labis na humanga sa kompanyang ito dahil hindi lamang nila iniisip ang maraming benta at pera para sa kanila kundi maging ang kapakanan ng bawat taong umiinom at tumatangkilik ng kanilang produkto.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media