Connect with us

Viral

Netizen, naglabas ng kaniyang saloobin patungkol sa mga riders na naghihintay ng matagal sa ilalim ng matinding sikat ng araw para lamang maihatid ang mga orders ng kanilang kostumer!

Avatar

Published

on

Sa mahigit isang taon na pagtitiis natin sa kabila ng pandemya ay hindi maipagkakaila na kahit papaano ay nakakahanap pa rin tayo ng ilang mga dahilan upang manatiling positibo sa buhay. Kahit pa maraming mga industriya ang labis na naapektuhan at maraming mga kompanya ang kinailangang magsara o magbawas ng kanilang mga tauhan, patuloy pa ring lumalaban ang maraming mga Pilipino.

Dahil sa katangian nating ito ay marami nang mga sumulpot na posibleng kabuhayan o pagkakakitaan tulad na lamang halimbawa ng “online selling” kung saan kahit anong produkto ay maaari nang ibenta online tulad na lamang halimbawa ng mga damit, pagkain, sapatos, gamit sa bahay at marami pang iba. Kasabay ng pagiging popular nito ay ang pagdami ng mga sumusubok maging delivery riders.

Upang maiwasan kasi ang paglabas pa ng mga tao, mas marami na ang tumatangkilik sa online shopping at delivery. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na mayroon palang ibang tao na tila walang malasakit sa mga taong ito na ang nais lamang ay magkaroon ng pagkakakitaan sa gitna ng pandemya para sa kanilang pamilya.

Kamakailan lamang ay naglabas ng kaniyang saloobin online ang netizen na si Clarissa Glorio. Nagbahagi rin siya ng larawan kung saan makikita ang isang “delivery rider” na mayroong bitbit na maliit na supot na naghihintay na pagbuksan siya ng kaniyang kostumer.

Hindi alintana ng rider ang matinding sikat ng araw at patuloy pa rin siyang naghintay upang maiabot ang kaniyang dalang produkto sa kostumer nito. Ayon kay Clarissa, sana ay magkaroon naman ng kaunting malasakit ang mga taong umoorder online.

Tao rin naman ang mga delivery riders na ito na tinitiis ang matinding sikat ng araw o malakas na ulan, bukod pa ang panganib na maaaring maidulot sa kanila ng COVID-19 pandemic. Maaari naman daw na ihanda na kaagad ang pera kung alam na mayroong darating na order sa araw na iyon upang mapabilis ang trabaho ng mga rider at mas maaga nilang matapos ang kanilang mga “deliveries”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media