Connect with us

Viral

Misis na dating losyang at niloko pa ng mister, nagsumikap sa buhay upang masuportahan ang anim niyang mga anak!

Published

on

Sabi ng mga matatanda, huwag na huwag kang kukuha ng batong ipupokpok mo sa iyong ulo dahil sa ikaw rin talaga ang magdudusa bandanga huli. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento na ito ng isang babaeng nagngangalang Michelle Valenzuela.

Ayon sa post na ibinahagi niya online, noon ay talagang napabayaan niya ang kaniyang sariling kalusugan at pangangatawan dahil sa walang kwenta niyang asawa. Ang kaniyang mister ay isang lasenggero, babaero at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa kabila nito ay nagtiis siya ng husto para sa kaniyang anim na mga anak. Mayroon din siyang inilakip na larawan sa kaniyang post kung saan makikita ang mahirap nilang kalagayan.

Buntis pa raw siya ng mga panahong iyon sa ikapito sana nilang anak ngunit maaga itong nasawi. Minsang nagdala ng babae ang kaniyang mister sa kanilang bahay ay ipinakita pa nito sa kaniya at sa kanilang mga anak ang kaniyang kabit.


Dahil sa nangyari ay nagdesisyon siyang iwanan na ang kaniyang asawa at ihabilin na muna sa kaniyang ina ang kaniyang mga anak. Nagsumikap siyang magtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng hirap ng buhay.

Napunta siya sa malupit na amo noong una ngunit kalaunan ay nakatagpo rin siya ng isang mabuting amo. Sa ngayon ay kitang-kita na ang napakalaking pagbabago sa kaniyang hitsura at pangangatawan.

Hindi tulad dati ay mala-porselana na ang kaniyang balat, mas maayos na rin ang kaniyang pangangatawan sa ngayon kumpara sa dating payat na payat talaga siya. Nabalitaan na rin niyang hiwalay na ang dati niyang asawa at ang kabit nito ngunit wala na itong epekto sa kaniya.

Sa ngayon ay kuntento siya at masaya dahil sa nasusustentuhan at nasusuportahan na niya ang kaniyang mga anak. Maraming mga netizens ang humanga sa kaniyang determinasyon at pagsusumikap sa buhay.

Tunay nga na walang imposible sa taong mayroong pangarap sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media