Connect with us

Viral

Misis, itinali ang kaniyang mister sa kanilang motorsiklo na para bang isang “package” matapos niya itong makitang lasing!

Published

on

Madalas sabihin ng mga matatanda na hindi biro ang buhay may-asawa. Talagang marami kang mararanasan na mga pagsubok at paghihirap ngunit kailangan mo itong tiisin para sa iyong pamilya.

Marami mang problema ang dumarating sa araw-araw, pamilya pa rin ang magdadamayan sa isa’t-isa. Kamakailan lamang ay mayroong nakakatuwang larawan ang kumalat sa social media kung saan makikita ang isang ginang na tinatali ang walang malay na lalaki sa likurang bahagi ng kaniyang motorsiklo.

Ayon sa ilang mga ulat, malaki ang posibilidad na sa Vietnam kuha ang mga larawang ito. Diumano, naabutan ng ginang ang kaniyang mister na lasing na lasing kung kaya naman itinali na lamang niya ito sa kaniyang motorsiklo upang maiuwi sa kanilang tahanan.

Gamit ang isang cargo ay nagawa niyang ikarga ang kaniyang mister sa kaniyang motorsiklo. Umani naman ito ng sari-saring komento mula sa mga netizens. Ayon sa ilang mga Pinay, ito raw pala ang dapat na gawin sa mga asawang parati na lamang naglalasing upang magtino na at hindi na umiinom ng sobra sobra.

Marami namang mga mister ang nagkomento rin sa larawang ito at sinabing hindi makatarungan at delikado para sa kanilang mga lalaki ang ganitong estratehiya. Maaari daw kasi silang masugatan, malaglag at mabalian ng buto dahil dito.

Tunay nga na hindi madaling solusyunan o resolbahin ang ganitong problema lalo na ng mag-asawa. Maaari lamang itong malutas kung mag-uusap sila ng masinsinan.

Marahil ay hindi naman masamang uminom kasama ang barkada, asawang babae man o asawang lalaki basta’t kaya nila ang kanilang sarili at magiging responsable sila sa kanilang mga gagawin. Hindi mo rin naman kasi dapat pagbawalan ng husto ang iyong asawa na uminom kasama ang kaniyang mga kaibigan dahil mayroon din siyang mga pangangailangan na makukuha niya lamang sa kaniyang mga kaibigan.

Tulad na lamang halimbawa ang pag-uusap nila patungkol sa trabaho, pagiging isang ama o ina at maging ang mga bagay na tanging sa kaibigang babae o kaibigang lalaki lamang nila masasabi ng husto.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media