Connect with us

Viral

Mga tauhan ng isang kompanya, nag-ambagan upang maibili ng isang “golden bracelet” ang kanilang “cleaner” bago pa man ma-relocate ang kanilang opisina!

Published

on

Madalas nating marinig sa mga nakatatanda na kung mamahalin lamang natin ang ating trabaho, kahit gaano pa ito kahirap ay hindi natin ito mararamdaman. Kapag nagawa na natin ito kahit isang araw ng ating buhay ay hindi na tayo magtatrabaho kailan man.

Photo credit: Izwan Sajjer / Twitter

Talaga namang nakakaantig ang ginawang ito ng mga tauhan ng isang kompanya dahil bago pa man malipat ang kanilang opisina sa malayong lugar ay pinaghandaan na nila ang kanilang munting regalo para sa pinakamamahal nilang “cleaner”. Ayon sa Twiiter user na si Izwan Sajjer (@IzwanSajjer), nag-ambagan sila ng kaniyang mga ka-opisina para sa munting sorpresa nilang ito.

Sa dami ng kanilang nakolekta ay nakabili sila ng isang gintong pulseras para kay Kak Jati na matagal nang nagtatrabaho sa kanilang opisina sa Kuala Lumpur, Malaysia. Siya na ang nagsilbing ina sa kanilang opisina.

Photo credit: Izwan Sajjer / Twitter

Hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang maramdaman ng bawat isa na siya ay maalaga at matulungin. Napalaki ng puso ni Kak Jati at talagang naramdaman nila itong lahat.

Kung kaya naman bago pa nila tuluyang lisanin ang kanilang opisina na malilipat na sa “Petaling Jaya” ay sinorpresa nila ang kanilang nanay-nanayan. Naging napakasaya naman ni Kak Jati na bagamat hindi na makakasama pa sa paglipat ng kanilang opisina sa malayong lugar ay naramdaman niyang naging importante rin siya sa mga taong matagal niyang nakasama.

Photo credit: Izwan Sajjer / Twitter

Nakakalungkot mang isipin na magkakalayo na sila, maiiwan pa rin ang maraming magagandang alaala sa kanilang mga puso at isipan. Nakakatuwang malaman na sa kabila ng napakaraming nangyayari ngayon sa ating paligid ay marami pa rin talagang mga bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos.

Isa na rito ang pagkakaroon ng mga taong talagang nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo, ano man ang estado mo sa buhay. Hindi kailan man magiging balakid ang edad at estado ng buhay upang magkaroon ka ng mga tunay na kaibigan.

Tulad na lamang ni Kak Jati at ng kaniyang mga minamahal na empleyado ng kompanyang ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media