Connect with us

Health

Mga taong grasa “immune” na nga ba sa COVID-19? Medical expert, may sagot na!

Published

on

Marami na sa atin ang pamilyar sa salitang Ingles na “hoax”. Ito ay nangangahulugang daya, panlilinlang, panloloko, at kalokohan.

Marahil ilan sa atin ay naniniwala sa mga sabi-sabi na ang mga taong grasa diumano ay “immune” na o hindi na tatablan ng “COVID-19”. Ayon sa ilang mga netizens, kahit pa sa lansangan na sila nakatira, walang suot na “face mask” at “face shield” na proteksyon laban sa nakakahawang pandemya ay talagang malalakas pa rin ang mga ito at hindi nagkakasakit.

Ayon sa huling tala ng Kagawaran ng Kalusugan nitong Abril 8 ay mayroon na tayong mahigit sa 828, 366 na kaso ng COVID-19. Marami na rin ang mga taong nasawi at mga taong naka-rekober sa sakit na ito buhat nang kumalat ito noong nakaraang taon.

Marami din naman ang nagsasabing ginagawa na lamang itong negosyo ng ilang mga pagamutan dahil sa makakakuha sila ng malaking pera mula sa mga pasyenteng nagpopositibo sa sakit. Dahil sa mga haka-haka at kuro-kurong ito ay nagsalita na ang ilang mga medical expert at sinabing hindi biro ang sakit na ito kung kaya naman walang katotohanan ang mga sabi-sabi na “immune” ang mga taong grasa rito.

“If we are going to do swabbing among them, I’m sure may magpapa-positive po. Ang biruan nga namin, eh siguro malakas ang immune system nila. Kahit anong panahon nasa labas po sila kaya may resistance na po sila to any disease,” pahayag ni Dr. Ferdinand De Guzman ng San Lazaro Hospital.

“Kung may gagawa ng study, may magsa-swab test sa kanila, baka COVID po ang ilan sa kanila. Or karamihan sa kanila, dahil they are very much exposed,” dagdag pa niya Dr. De Guzman.

Pinabulaanan din niya ang mga pekeng balita na ito dahil sa talagang milyon na ang bilang ng mga taong nagpopositibo at nasasawi dahil sa sakit na ito sa buong mundo. Kung kaya naman hindi dapat tayo magpabaya at huwag dapat tayong makampante dahil sa hanggang ngayon ay naririto pa rin sa atin ang COVID-19.

Source: GMANetwork


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media