Connect with us

Viral

Mga aleng namataan sa palengke na tila mga “astronaut” ang hitsura, kinagigiliwan ngayon ng publiko!

Avatar

Published

on

Maraming mga bansa na sa buong mundo ang nagsisimulang magbigay ng bakuna sa kanilang mga mamamayan. Bagamat limitado pa sa ngayon ang bilang ng mga bakunang ito ay talagang binibigyang prayoridad muna nila ang mga matatanda at mga nagtatrabaho sa mga ospital.

Photo credit: Tramer Bernaldez Nastor Facebook

Talagang nakakabahala na ang pandemyang nararanasan natin sa ngayon. Hindi na biro ang bilang ng mga bagong kaso ng mga taong nagpopositibo sa sakit na ito sa araw-araw.

Gayundin naman ang lumolobo pang bilang ng mga taong nasawi na at mga taong naka-recover na sa sakit na ito. Kahit pa nga walang tigil ang paalala ng ating pamahalaan na palaging magsuot ng “face mask” at “face shield”, palaging magkaroon ng “social o physical distancing” at ang palaging paghuhugas ng kamay, hindi pa rin talaga nakakakampante ang marami sa atin.

Hindi na nakapagtataka na humanap pa ng paraan ang ilan sa ating mga kababayan upang masiguradong hindi sila mahahawa ang sakit na ito. Halimbawa na lamang ang dalawang ginang na ito na namataan ng netizen na si Tramer Bernaldez Nastor sa Dampa Seaside sa Pasay City.

Aakalain mong mga astronaut sa unang tingin ang dalawang ale na kasalukuyang namimili noon sa lugar. Ang mga ginang palang ito ay nakasuot ng face mask at “hazmat hood” at mayroon din silang dalang respirator.

Ayon sa ilang mga netizens, ang suot nila ay “powered air purifying respirator”. Ito ay nagkakahalaga ng Php22,000 hanggang Php26,000 kada isa.

Photo credit: Tramer Bernaldez Nastor Facebook

Marami namang mga netizens ang namangha dahil mayroon na palang aparato na ganito. Bagamat masakit sa bulsa para sa mga ordinaryong mamamayan ay sigurado namang magiging protektado ang magsusuot laban sa nakakahawang sakit.

Mayroon ding ilang mga netizens ang nagsasabing maaari pang mas tumagal ang nararanasan nating pandemya sa ngayon kung kaya naman marahil ay dapat na rin tayong mag-ipon upang makabili ng ganitong klase ng aparato.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media