Connect with us

Showbiz

Melai, nagbigay ng tips kung paano maging wais pagdating sa usaping pera lalo na kung nanghihingi sa kaniya ng “tuition fee” ang kaniyang kamag-anak!

Published

on

Malayo na nga talaga ang narating ng Pinoy Big Winner na si Melai Cantiveros matapos niyang manalo sa PBB: Double Up. Bagamat masasabi nating matagumpay na sa kanilang karera si Melai bilang host at ang kaniyang mister na si Jason Francisco bilang isang komedyante ay hindi pa rin nila nakakalimutang maging wais pagdating sa usaping pera.

Photo credit: Melai Cantiveros instagram

Tiyak na maraming mga Pilipino ang nakaranas nang malapitan at mautangan ng kanilang mga kamag-anak. Ang nakakalungkot lamang ay talagang pahirapan nang maningil sa oras na makautang na at makuha na ang kanilang gusto.

Kung marami sa atin ang madalas na nagsisisi sa mga ganitong sitwasyon, iba naman ang atake ni Melai. Dahil para sa kaniya ay hinding-hindi siya papayag na siya ang magbayad ng matrikula sa eskwela ng kaniyang mga pamangkin.

Photo credit: Melai Cantiveros instagram

Katwiran niya ay hindi naman niya ito mga anak kung kaya naman marapat lamang na maging responsable silang mga magulang para sa kanilang mga anak. Ayon pa kay Melai, naiitindihan naman siya ng kaniyang mga kamag-anak tungkol dito dahil mula nang maging asawa at ina na siya sa kaniyang sariling pamilya ay nagsusumikap na silang mag-asawa na mag-invest at magtipid para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Photo credit: Melai Cantiveros instagram

Laking probinsiya si Melai kung kaya naman bata pa lamang daw sila ay talagang mulat na siya sa hirap ng buhay. Tinuruan din daw sila na huwag umasa sa ibang tao.

Kung halimbawang nagtatrabaho ang kanilang ate ay dapat din daw na mayroon din silang trabaho, hindi aasa lamang sa kanilang kapatid na mayroong hanapbuhay. Ibang usapan naman daw kung bakasyon at “family gathering” ang pag-uusapan dahil dito siya maaasahan ng kaniyang mga kamag-anak sa GenSan.

Photo credit: Melai Cantiveros instagram

Mas nais niya kasing maglabas ng pera kung para sa pagbabakasyon at pagsasama-sama nila bilang isang mag-anak. Nais din ni Melai na mamulat ang kaniyang mga kapatid at iba pang kamag-anak na kapag pumasok sila sa isang responsibilidad ay magawa nilang tumayo sa sarili nilang mga paa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media